Warm up muna

MAHALAGA nga ba ang warm up sa motorsiklo gaya ng ginagawa sa mga sasakyang pinatatakbo ng diesel? Ito ang tanong ng ating texter ……. 3231, na taga-La Libertad, Negros Oriental na merong four-stroke motorcycle at isang 2.5 diesel engine na ginagamit niya sa kanyang paghahanapbuhay.

Kapag diesel, parang otomatiko na pumapasok sa isipan ng mga driver na kailangang i-warm up ang makina bago patakbuhin. Ganito ang sistemang sinusunod ng mga jeepney driver.

Nakamura ang ating texter sa pagbili niya ng Japanese brand na 125 motorcycle niya dahil hindi niya ito ipinasok sa “easy installment plan” kung saan kumikita ng dagdag na P15,000 ang mga dealer.

Ang makina na tumatakbo sa gasolina at diesel ay mayroong pagkakaiba. Ang diesel ay pinapainit ng kuryente ng limang segundo bago nagi-start.

Ang heater ng diesel ay kalimitang may walong pole at kumukuha ng kuryente sa 3SM battery—malimit ito ay maintenance-free.
Kailangan ang kuryente mula sa baterya para mag-redondo na kailangan upang umandar ang makina ng diesel na sasakyan.

Sa 125 motorcycle ng ating texter, ay gawa ng isang Japanese company. Mayroong pagkakataon ang ating texter na piliin ang Chinese brand pero mas mahinang klase ito at madaling masira ang piyesa sa loob ng makina nito.

Ang baterya ng 125 ay maintenance-free at hindi kailangan na regular na tignan ang electrolyte level nito. Hindi rin kailangan na lagyan ito ng distilled water.

Kapag paandarin ang motorsiklo, hindi na kailangan ang heater bago pindutin ang buton para mag-start ang makina.
Malimit na pagkakamali ng mga rider ang pag-start ng makina bilang “go” signal.

Kailangang painitin mula ang makita nang hindi ito umaandar. Marahan din dapat ang pagpihit sa balbula upang hindi mabigla ang makina na siyang sisira sa mga maliliit na piyesa ng sasakyan.

Kapag mainit na ang makina, kumambyo at dahan-dahan ang gawing pag-andar.

MOTORISTA

Nag-iinit
MAY posibilidad ba na mag-overheat ang motor?  Paano po ba at gaano kalayo ang itatakbong kilometro bago mag-overheat?  May motor kami sa office, Bajaj 100, pang-deliver ng dyaryo, ang ruta ko po, Makati, Global City, galing sa San Andres Bukid.
E. Mojares

BANDERA

WALA pang 20 kilometro ang biyahe kaya hindi mag-iinit ang Bajaj 100, na air-cooled.  Kung sa maigsing ruta ay labis na nag-iinit ang makina, agad na ipaayos ang motor dahil kapag naapektuhan ang electrical niyan ay maaaring masunog ang motor.  Ang pangunahing dahilan kung bakit nag-iinit ang air-cooled ay hindi na gumagana ang pampalamig at pagmamantine ng temperatura.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).

Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).

PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...