Nikki ayaw nang makausap at makasama sa trabaho si Billy


PAREHONG nanalo ang ex-couple na sina Nikki Gil at Billy Crawford sa Star Awards  for TV last Sunday. Nanalo bilang Best Male Host si Billy at Best Single Performance By An Actress naman ang iniuwi ni Nikki for her performance sa Maalaala Mo Kaya.

After the awards night, nainterbyu namin si Nikki sa stage for the photo op ng mga nanalo. Hindi raw niya talaga akalain na mananalo siya.

“E, pakanta-kanta lang ako tapos mauuwi sa ganito. I really don’t deserve it. Maraming deserving and I’m so blessed na ako ang napili ngayon. I’m just very thankful na sa industriya po natin, e, marami talagang magagaling.

Maraming-marami po talaga. Kaya  para mapansin ako ng PMPC napakalaking karangalan talaga,” sabi ni Nikki. Matagal na raw niyang pangarap ang pag-arte, “I found na ang pag-arte ay isang bagay na mahal na mahal ko and ipinagdarasal ko talaga na marami pang pagkakataon ang maibigay sa akin.”

Malaking hamon syempre pa kay Nikki ang pagkakapanalo niya ngayon ng award, “Ay, grabe naman! Huwag naman ‘yung pressure. Hind naman po. Ako naman, e gusto ko lang magtrabaho.

Gusto ko lang maging effective story teller dahil ‘yun naman talaga ang pag-arte. At kung ano po ang dumating, kung ano po ang ibigay, kung pinaniniwalaan ko po ito, gagawin ko naman po talaga ang best ko,” esplika niya.

Magandang pambawi raw sa lahat ng sakit na naramdaman niya sa break-up nila ni Billy ang pagkakapanalo niya, “Sabi ni Lord, ‘Sakit? Eto’ng reward.’ Thank you. Ha-hahaha!”

Parang gusto na rin maniwala ni Nikki na kapag hindi swerte sa pag-ibig, swerte sa career, “Parang ganoon, e. Ha-hahaha. Pero hindi.

Ako naniniwala ako sa kasabihang hard work pays off and if you are faithful with the little things, God will bless you with bigger things.”

Dahil diyan, wit (read: wala) daw muna lovelife si Nikki, “Pero syempre hindi ko naman kinokontra. Kapag dumating, nandiyan, of course, I will embrace it.

Pero hindi ko siya hinahanap sa ngayon dahil marami namang ibang biyayang  binibigay na destructions si Lord sa akin.”
Nasabi naman namin kay Nikki na win din si Billy that night, “Yes, congratulations din,” sambit ni Nikki.

Diretso namang sinabi ni Nikki na ayaw muna niyang tumanggap ng project na kasama si Billy, “Ah, ayoko naman po kasing, hindi po ako ‘yung ganoong klase ng tao.

I’m very real, I want to be very honest, syempre, sa press at sa mga sumusunod sa ginagawa ko, sa career ko, parang hindi naman po necessary. Parang pwede naman pong hindi.”

Inamin din niya na hindi sila nag-uusap ni Billy, “Huwag na po muna. I just want to be real. Siguro sa takdang panahon po. Hindi rin naman nag-iiwasan dahil maliit lang naman po ang industriyang ginagalawan natin.

Pero okey na po ‘yun. Kung magkita, ganoon naman po talaga. Bakit naman kailangang mag-iwasan, ‘di po ba?”
Masaya na  siya ngayon and very busy.

Thankful din siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon and according to her pa, “back to normal and business as usual.”

( Photo credit to Google )

 

Read more...