KC: Ang daming nasayang na oras sa maling lalaki!


DIRETSONG sinabi ni KC Concepcion na hindi pa talaga siya handang magka-boyfriend uli – ito’y sa kabila  ng napakahabang pila ng mga lalaking gustong makakuha sa matamis niyang “oo”.

Sa nakaraang PMPC Star Awards for TV kung saan nanalong Best Supporting Actress si KC para sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN, sinabi ni KC na baka raw abutin ng isa o dalawang taon bago siya makipagrelasyon uli.

“Alam ninyo, totoo ito, ha? I’m not…kasi naririnig ninyo ito lagi sa akin. Pero, totoo po kasi, hindi po ako ready mag-commit. I mean, siguro in a year o a couple of years.

“Pero kasi sa ngayon, talagang nag-e-enjoy pa ako. Parang ang feeling ko kasi, ang daming time na rin na na-waste ko being with the wrong guy. Baka kailangan ko lang ng time na ibalik yung time na nawala po sa akin,”  paliwanag ni KC.

Hindi naman daw siya nagpapa-pressure sa kanyang nanay na si Sharon Cuneta na paulit-ulit nang nagsasabi na gusto na nitong magkaroon ng apo sa kanya, “Naku po! Sixteen pa lang ako, sinasabi na niya yun sa akin! Ha-hahaha!”

Tungkol naman sa isa niyang manliligaw na si Paulo Avelino, okay naman daw sila, “Mabait po! Mabait, mabait, at saka, parang hindi siya masyadong showbiz na…hindi siya matakaw sa atensiyon.

Actually, nagtatago nga yun lagi. But, mabait po at saka tahimik.”

( Photo credit to Google )

Read more...