Kim lapitin ng mga engkanto at dwende


Lapitin pala ng  lamang-lupa at dwende si Kim Chiu. Naikuwento ng Kapamilya actress ang mga naging karanasan niya sa mga ganitong uri ng elemento sa paligid sa Kris TV kahapon ng umaga.

Ayon kay Kim, ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang pumupunta sa mga lugar na mapuno, magkaiba raw sila ng kanyang rumored boyfriend na si Xian Lim na gustung-gusto naman ang “nature”.

Sey ni Xian, mas gusto ni Kim na tumira sa Maynila kesa sa mga kalapit-probinsiya dahil karamihan sa mga house and lot doon ay puro puno at mga halaman.

“Madali kasi akong mabati, ganu’n, ‘yung sinasabi nilang mga nuno sa punso. Kapag nagpupunta ako sa mga mapunong lugar, pag-uwi ko, ang pula-pula na ng leeg ko, tapos namamaga na ‘yung braso ko, ganu’n siya!” kuwento ni Kim.

Samantala, kinilig naman si Kris sa naging sagot ni Xian nang tanungin niya kung meron ba siyang “Kim day” sa loob ng isang linggo, “Kasi para sa akin, it’s always a Kim day!” Biglang sumingit si Kim na halatang hiyang-hiya sa sinabi ng ka-loveteam, “Kasi nga ate (Kris), everyday kaming magkasama ngayon, sa shooting!”

Hirit naman ni Kris, “Grabe! Kimmy Ang haba-haba ng hair mo! Ha-hahaha!”

Speaking of Xian Lim, napag-usapan din sa Kris TV ang pagpapatayo ng bahay ng aktor, ilang beses na rin daw nakarating doon si Kim na nag-suggest pa raw ng ilang pwedeng gawin sa house.

Ayon kay Xian, halos tapos na raw ang bahay niya, ginagawa na lang ang swimming pool na request talaga ng kanyang nanay. “Naghuhukay pa sila du’n, para nga sa swimming pool. Bale ‘yun na lang ang tinatapos.

Pero mukha hindi pa kami pwedeng lumipat doon sa Pasko or New Year, kaya baka next year na kami tumira doon,” sabi ni Xian.
Bigla namang naalala ni Kris ang edad ni Xian, 24 na raw ito at taon ng aktor ang 2013 kaya hindi raw maganda ang may naghuhukay sa ipinapatayo niyang bahay. Malas daw ito sa feng shui.

Pero bawi ni Kris, “Kontrahin na lang natin ng charms. Keri na ‘yun. Pero sabi kasi nila talaga, it’s not good na nagpapahukay ka sa house kung year mo ngayon.”

( Photo credit to Google )

Read more...