Hanggang ngayon ay si Derek Ramsay pa rin ang kinababaliwan ng mga becking nakikilala namin. Siya ang kinukumusta ng mga becki, siya ang itinuturing na ilusyon, si Derek ang para sa kanila ay kabuuan ng isang lalaking walang kabahid-bahid talaga ng kuwestiyonableng kasarian.
Ang pagiging maginoo ni Derek ay gumagawa rin ng milagro para sa kanyang imahe, gustong-gusto ng mga kababaihan at ng mga becki ang mga lalaking hindi masyadong masalita, mas mapaghamon ang ganu’ng karakter.
Sabi sa amin nu’ng minsan ng isang bestfriend naming propesor, “Napakatagal ko nang tumututok sa showbiz, pero kakaiba ang dating sa akin ni Derek Ramsay.
Hindi siya ‘yung tipong porke guwapo, e, magmamayabang na, wala sa vocabulary niya ang ganu’n. “Napaka-humble niya, he’s such a gentleman, ‘yun ang reason why kahit sa mga gay beauty pageant sa mga barangay, e, puro Derek Ramsay ang maririnig mong ginagamit ng mga becki sa kanilang mga litanya.
“Nakakaaliw ang ganu’n, sasabihin ng becki, ‘Ako si ganito at si ganyan, ang nag-iisang mansanas sa mga mata ni Derek Ramsay!’ Di ba naman, nakakaaliw ang mga becki?” komento pa ng aming kaibigan.
Sa seryeng For Love Or Money ay lutang na lutang ang kakisigan ni Derek Ramsay bilang si Edward na pinag-aagawan nina Alice Dixson at Ritz Azul.
Lalaking-lalaki ang kanyang dating, talagang inaalagaan nang husto ni Derek ang kanyang tikas at timbang, bagay na bagay sa kanya ang paglalarawan bilang hunk actor.
“Gusto ko na ngang bigyan din ng milyon si Alice para sa akin mapunta si Derek. Chos! “Napakaguwapo kasi niya, he’s every inch a man, walang kabahid-bahid ang pagkalalaki ni Derek Ramsay,” dagdag pa ng kaibigan naming becki.
( Photo credit to Google )