Mga Batangueño nagtatampo kay Gov. Vilma
Napakaraming nag-react sa balitang pang-iisnab ni Gov. Vilma Santos sa 1st Tanauan City Dragon Boat Festival last weekend. Hindi raw marunong “mag-choreograph” si Vilma at ang babaeng tourism officer niya kung ano ang magiging official na nilang sagot pag hinanap siya ng mga taga-Tanauan, Batangas.
Sabi kasi ng kampo ni Gov. Vi ay nasa abroad ito for a very important engagement kaya hindi siya makakarating. Ayon naman sa kaniyang tourism officer na nakorner namin last Saturday morning ay nandito lang ang boss niya sa Batangas kaya lang meron nang natanguang previous commitment kaya hindi naka-attend.
Natawa lang kami dahil 6 a.m. ang event na iyon, you mean, may lakad si Vilma Santos ng ganu’n kaaga? We have yet to hear Vilma’s side of the story.
Ano na naman kayang alibi ang ipaparating niya through her drumbeaters? Tingnan nga natin ang husay niya. Hay naku, pero huwag ka, kayang gawin ng mga fans niyang writers na pula ang kulay itim.
Panoorin natin silang umeksena… nakaka-amuse actually. Baka ang ending niyan, ang mga taga-Tanauan pa ang may kasalanan. Sige nga, let’s watch her defend herself baka may explanation siya about this.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.