Para sa may kaarawan ngayon: Bagamat may lungkot na nadarama, magiging masaya ang araw ngayon kung magpapatuloy ang magandang panahon. Sa pag-ibig may masarap na romansang mararanasan. Sa pananalapi malapit ng matupad ang pagdating ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 2, 19, 23, 38, 41at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Orange at blue ang buenas
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, madaragdagan ang iyong gastusin, dahil malapit na naman ang kapaskuhan. Kailangang magtipid. Sa pag-ibig, ipayapa ang isipan, nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at apple green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kailangan mong sumikat at makisalamuha sa lipunan, sapagkat iyan ang iyong tadhana. Sa weekend na ito maki-join sa mga gawaing may kaugnayan sa politika. Sa ganyang paraan magkakapera ka na may panibagong pag-ibig pang darating. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Durate-Rebus-Rebus-Durate.” Red at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— ‘Wag pang hinaan ng loob. Kung lalakasn mo lang ang iyong loob, nuon pa sana – mayaman ka na! Sa pag-ibig, lakas din ng loob ang susi upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Purana-Om.” Blue at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag umasa sa iba. Nasa sarili mong pagsisikap ang iyong ikauunlad. Sa pag-ibig ikaw ang dapat magsikap upang muling uminit ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 1, 5, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Yellow at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Kapag nahawi na ang mga problema, may mas malaking halaga ng salapi na makakamit. Sa pag-ibig, umiinit ang pakiramdam ng kasuyo yayain mong siyang mag-swimming. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig upang sumarap ang pasok ng Disyembre, lambingin ang kasuyo tuwing sasapit ang madaling araw. Sa pinansyal, tulad ng nagdaang mga araw, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Arantayanan-Kebanam.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Iwasang maging mayabang. Mas mabilis na uunlad kung patuloy na nagpapakumbaba. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, alalahinin mong may sarili siyang pagkatao at pagiisip. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Om Padma.” Beige at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Baguhin ang istilo sa pagta-trabaho, dagdag na sipag ang dapat upang mas mabilis na kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, dagdagan ng init ang pakikipag-romansa sa kasuyo upang hindi ka nya palitan. Mapalad ang 5, 8, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—‘Wag mag-isip ng kung ano-anong bagay upang makasumpong ng simpleng buhay. Sa pinansiyal, tigilan na ang pag-iisip kung paano yayaman. Kusang darating yan! Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang tahimik na lugar at duon kayo maglambingan. Mapalad ang 5, 14, 23, 36, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—‘Wag ma-guilty sa mga bagay na hindi natapos gawin. Sabihin sa sarili, “yan lang ang nakayanan!” Sa pag-ibig, kung laging nagre-request ng kung ano-ano ang kasuyo, ipaliwanag sa kanyang, hindi mo yon kayang gawin. Mapalad ang 6, 15, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Pink at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— ‘Wag mawawalan ng pag-asa. Paikot-ikot lang ang kapalaran. Mawawalan ng pera, upang bukas makalawa, lalo pang dumami ang salapi. Sa pag-ibig, magtatampo ang kasuyo upang pagkatapos, lalo pang sumarap ang relasyon. Mapalad ang 7, 16, 24, 34, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Blue at silver ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) Upang—suwertehin iwasang topakin. Sa pag-ibig, batiin ang bawat araw na puno ng pag-ibig ang puso. Sa pinansyal, ngitian ang bawat makakasalubong, isipin mong darating ang panahong maaari mo silang pagkakitan. Mapalad ang 1, 19, 28, 32, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Violet at orange ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.