Angeline Quinto may sariling talk show na simula Aug. 27!

MAY panibagong titulo nang maidaragdag sa pangalan ni Angeline Quinto!
Mula sa pagiging singer at aktres, ngayon ay haharap na rin siya sa hamon ng pagiging talk show host.
Magkakaroon siya ng sariling programa na pinamagatang “The Angeline Quinto Show.”
Mapapanood ang bagong programa sa iWant simula August 27, ayon sa teaser na inilabas ng streaming platform.
Baka Bet Mo: Angeline Quinto na-bad trip kay Yeng bago magpakasal kay Nonrev Daquina
Bukod sa chikahan at kwentuhan kasama ang mga celebrity guest, hindi mawawala ang isa sa pinakaabang-abangang bahagi ng show…ang musical performances ni Angeline!
At mukhang bongga agad ang magiging umpisa ng programa dahil kabilang sa mga unang makakasama niya ang actor-comedian na si Vice Ganda at singer na si Erik Santos.
Matatandaang sumikat si Angeline matapos tanghaling kampeon sa “Star Power” noong 2011.
Ngayong taon, ipinagdiriwang din niya ang kanyang 15th anniversary sa showbiz.
Pero hindi lang ang kanyang bagong talk show ang pinagkakaabalahan ng singer-actress dahil todo-preparasyon din siya para sa kanyang nalalapit na concert na “AQuinse,” na gaganapin sa August 22 sa Araneta Coliseum.
“Itong concert na ito, talagang very personal siya para sa akin dahil sa loob ng 15 years, napakaraming nangyari sa kwento ko na gusto kong maibahagi sa mga tao. May mga nakakaiyak, mga nakakatuwa, nakaka-inspire, at mga nakaka-in love,” sey niya.
Aniya pa, “Ang lahat ng pangyayaring iyon, I’m sure may isang kanta na tumatak talaga sa puso ko at sa puso ng mga supporters ko na gusto kong balikan. Pag narinig nila sa August 22, magbabalik yung ganung pakiramdam, yung gusto ko na parang napaka-nostalgic ng feeling.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
