NASOLO ni Marian Rivera ang Best Actress trophy sa nakaraang PMPC Star Awards for TV na ginanap noong Linggo ng gabi sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, Q.C., ito‘y para sa kanyang natatanging pagganap sa seryeng Temptation Of Wife ng GMA 7.
Talunan kay Marian ang iba pang nominado sa nasabing kategorya tulad nina Carla Abellana (My Husband’s Lover), Jodi Sta. Maria (Be Careful With My Heart), Judy Ann Santos (Huwag Ka Lang Mawawala), Janice de Belen, Kim Chiu at Maja Salvador (Ina Kapatid Anak) at Nora Aunor (Never Say Goodbye).
Sey ni Marian, “Actually, lahat naman ng artista e pinaghihirapan ang trabaho nila. Sa lahat po ng pagod ng mga artista, napapawi iyon kapag nakakatanggap ng mga ganitong karangalan.”
Nag-tie naman sa pagiging Best Actor sina Coco Martin (Juan dela Cruz) at Richard Yap (Be Careful With My Heart). Tinalo nila sina Bong Revilla (Indio), Dennis Trillo (My Husband’s Lover), John Lloyd Cruz (A Beautiful Affair), Piolo Pascual (Apoy Sa Dagat) at Tom Rodriguez (My Husband’s Lover).
Kasabay nito, ang Juan dela Cruz din ng ABS-CBN ang nanalong Best Primetime Drama Series habang Best Daytime Drama Series naman ang Be Careful With My Heart.
Waging Best Drama Supporting Actress si KC Concepcion para sa Huwag Ka Lang Mawawala habang nag-tie naman sa Best Drama Supporting Actor sina Arjo Atayde (Dugong Buhay) at Arron Villaflor (Juan dela Cruz).
Sina Nikki Gil at Carlo Aquino naman ang nanalong Best Single Performance By An Actress and Actor para sa Maalaala Mo Kaya, si Nikki sa “Ilog” episode at si Carlo sa “Pulang Laso.” Nailagay na sa Hall of Fame ang MMK kaya hindi na ito nominado sa Best Drama Anthology.
Agaw-eksena naman ang child star na si Andrea Brillantes na nagwaging Best Child Performer para sa Annaliza. Naiyak ang bagets nang tawagin ang pangalan niya.
Pinasalamatan pa nga niya ang lahat ng nam-bully sa kanya noon na nagsabing hindi siya marunong umarte at hindi siya sisikat.
Nag-tie rin bilang Best Gag Show ang Banana Split: Extra Scoop ng ABS-CBN at Bubble Gang ng GMA. Best Comedy Show naman ang Pepito Manaloto ng Kapuso network, habang wagi naman sina Michael V. at Rufa Mae Quinto ng Best Comedy Actor and Actress para sa Bubble Gang.Best Horror/Fantasy Program ang Wansapantaym ng ABS at Best Youth Oriented Program ang LUV U ng Dos.
Best Game Show naman ang Celebrity Bluff ng GMA, at Best Game Show Host si Luis Manzano para sa Deal Or No Deal. Best Talent Search Program ang Talentadong Pinoy ng TV5.
Wagi namang Best Talent Search Program Hosts sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Robi Domingo para sa The Voice of the Philippines.
Iniluklok naman sa Hall of Fame ang Eat Bulaga bilang Best Variety Show; Best TV Female and Male TV host naman sina Anne Curtis at Billy Crawford for It’s Showtime.
Ang Extra Challenge ng GMA ang nanalong Best Reality Competition Program while Judy Ann Santos named as Best Reality Competition Program Host for Master Chef Pinoy Edition.
Nanalong Best Celebrity Talk Show ang Kris TV ni Kris Aquino at Best Celebrity Talk Show Host naman si Vice Ganda para sa Gandang Gabi Vice. Best Showbiz-Oriented Talk Show ang Startalk ng GMA.
Nanalo ring Best Showbiz-Oriented Talk Show Hosts sina Cristy Fermin (Ang Latest) at Ogie Diaz (Showbiz Inside Report).
Nag-tie rin ang ABS-CBN at GMA bilang Best TV Station ngayong taon.
( Photo credit to Eric Borromeo PMPC )