Dingdong hindi pinabayaan si Pacman


NAGPAPASALAMAT si Dingdong Dantes sa patuloy na pagsuporta ng mga Kapuso sa teleserye nila nina Rhian Ramos at Lorna Tolentino na Genesis.

Sey ng Primetime King dahil dito, mas lalo silang nai-inspire para mas pagandahin pa ang takbo ng istorya ng kanilang programa.

Anytime soon ay balik-taping na uli si Dingdong sa Genesis, nakatakdang bumalik sa Pilipinas ang aktor anumang araw mula ngayon galing sa Macau kung saan sinuportahan nga niya ang kaibigang si Manny Pacquiao sa laban nito kay Brandon Rios.

Anyway, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Genesis, para iligtas si Isaak (Dingdong), aamuin ni Raquel (Rhian Ramos) si Paolo (TJ Trinidad).

Pero alam ng huli ang ginagawa ng babae. Kaya kukunin nito si Osie (Sasha Baldoza) para lasunin ang isip nito laban sa tunay ng mga magulang.

Ngayong kakampi na ni Paolo ang bata, magagawa pa ba ni Raquel na tulungan si Isaak? Matatakasan naman ni Isaak ang mga bantay niya at agad na niyang pupuntahan sina Tolits (Betong Sumaya) at Helen (Isabelle Daza) para sama-sama na silang tatakas kasama nina Raquel, pero laking gulat ni Isaak nang mag-ingay si Osie para ipaalam kay Paolo ang ginagawa nila.

Samantala, hindi na kakayanin ni Sandra (Lorna Tolentino) ang konsensiya niya sa mga kailangan niyang gawin bilang Presidente. Kaya labag man sa kagustuhan ng militar, aalis si Sandra para pumunta sa simbahan at magkumpisal kay Fr. Mateo (Bembol Roco).

Pero may makakakilala sa tao niyang si Elise (Kalila Aguilos) habang hinihintay nito ang Pangulo sa labas ng simbahan. At susugod ang mga tao sa tahanan ng Diyos.

Makaliligtas pa kaya si Sandra mula sa mga galit na mamamayan? Babarilin naman ni Paolo si Isaak at babagsak ang huli sa isang hukay. Makikita itong humahagulgol na si Raquel.

Paolo orders na tabunan na si Isaak. Sobra ang galit ni Raquel sa asawa at siya’y masasaktan ulit nito. Dito  niya maaamin na mahal niya pa rin si Isaak.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, makakaalis pa si Isaak mula sa hukay dahil di siya patay; nasagip siya ng kwintas nabigay sa kanya ni Helen. Kaya naman laking tuwa nina Helen at Tolits nang makitang buhay pa ang kaibigan.

Magkikita rin sila ng nagdadalamhati na si Raquel at sila’y tatakas kasama si Osie. Ngunit hahabulin sila ni Paolo at mga tauhan nito.  Maabutan kaya sila?

( Photo credit to Google )

Read more...