#SerbisyoBandera: QC Public Library may libreng Japanese classes

GUSTO mo bang matuto ng Japanese language at culture?
Exciting news, ilulunsad ng Quezon City sa pamamagitan ng QC Public Library (QCPL) —ang libreng Online Basic Japanese Language Classes para sa lahat ng gustong matuto ng Nihongo.
Ito ay bahagi ng walang sawang hangarin ng QCPL na itaguyod ang lifelong learning at cross-cultural understanding.
Ang klase ay para sa mga beginner, kaya kahit hindi mo pa alam kung paano bumati ng “Ohayo gozaimasu,” swak na swak ka dito.
Baka Bet Mo: #SerbisyoBandera: QC bukas na ulit para sa bagong scholars, paano mag-apply?
Tatalakayin ang basic grammar, vocabulary, mga pang-araw-araw na expression, pati na rin ang Hiragana at Katakana.
Hindi lang ito basta-basta language class dahil kasama rin sa mga ituturo ang Japanese customs, etiquette, at cultural practices.
Ang mga klase ay pamumunuan ng experienced instructors at mga certified volunteers mula sa Jellyfish Education Philippines, Inc., na katuwang ng QCPL mula pa noong 2019.
“The QCPL’s Free Online Language Class opens doors of opportunity for every QCitizen—reminding us that in Quezon City, learning knows no limits, and progress begins with knowledge,” sey ng alkalde ng lungsod na si Joy Belmonte.
Ang good news pa, hindi lang ito para sa mga taga-QC, bukas ang programa sa lahat ng Pinoy learners sa buong bansa, basta 18 years old pataas, may laptop, desktop o smartphone, matinong internet, at Zoom account.
Matapos ang matagumpay na pagtatapos ng 172 bagong graduates noong May 22, bukas na ulit ang registration para sa bagong batch na magsisimula sa June 19!
Mga Dapat Tandaan sa Registration:
- Libre! As in zero pesos!
- Limited lang sa unang 500 participants (first come, first served!)
- Mag-register lang sa QCPL Facebook page
- May confirmation email at kailangan itong ma-confirm within 24 hours
- ‘Pag di nakumpirma, ibibigay ang slot sa mga iba pang naghihintay
- Zoom credentials ay ipapadala via email
Simula nang inilunsad ang nasabing programa, 3,642 na ang graduates mula sa libreng Japanese classes ng QCPL at patuloy pa rin itong isa sa mga pinaka-in-demand na programa sa lungsod.
Kaya kung gusto mong matuto para sa future Japan trip mo, o career goals mo, o baka gusto mo lang talagang makaintindi ng anime nang walang subtitle…ito na ang chance mo!
Mag-register na sa official Facebook page ng Quezon City Public Library.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
