Culiat Bridge II sa QC sarado, 38 pamilya inilikas dahil sa sunog

Culiat Bridge II sarado, 38 pamilya inilikas dahil sa sunog sa may QC

Pauline del Rosario - July 13, 2026 - 02:19 PM
Culiat Bridge II sarado, 38 pamilya inilikas dahil sa sunog sa may QC
PHOTO: Facebook/Quezon City Government

LIGTAS at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center ang 38 pamilyang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa ilalim ng Culiat Bridge II sa Congressional Avenue, Barangay Bahay Toro, Quezon City, nitong Sabado ng gabi, July 11.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, agad na inasikaso ng Social Services Development Department (SSDD) at iba pang ahensya ng lungsod ang mga naapektuhang pamilya. 

Sumailalim na rin ang mga ito sa psychosocial first aid habang nananatili sa evacuation center.

Layon din ng lokal na pamahalaan na mailipat ang mga biktima sa maayos at permanenteng pabahay sa lungsod.

Baka Bet Mo: Fire Prevention Month: Tips at paalala para iwas sunog sa bahay

Samantala, iniutos naman ni Pangulong Bongbong Marcos ang agarang technical assessment sa Culiat Bridge II matapos itong mapinsala ng matinding init na dulot ng sunog, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa pahayag ni DPWH Secretary Vince Dizon, magsasagawa ang ahensya ng pansamantalang pagkukumpuni sa mga bahagi ng tulay kung saan umangat ang asphalt pavement dahil sa matinding init ng apoy.

Nagsagawa rin ang DPWH, katuwang ang pamahalaang lungsod ng QC, ng clearing operations upang alisin ang mga debris at matiyak ang kaligtasan sa lugar.

Patuloy namang isinasagawa ng technical team ng DPWH ang structural evaluation ng tulay upang matukoy ang lawak ng pinsala at ang kinakailangang rehabilitasyon bago ito muling buksan sa mga motorista.

Sa ngayon, nananatiling sarado ang Culiat Bridge II sa lahat ng uri ng sasakyan habang isinasagawa ang inspeksyon.

Ayon sa LGU, hindi ligtas na daanan ang tulay dahil umangat ang ilang bahagi nito bunsod ng matinding init mula sa sunog.

Patuloy ring nakikipag-ugnayan ang Quezon City Engineering Department sa DPWH upang mapag-aralan ang pinakamabisa at pinakamabilis na paraan ng pagkukumpuni sa tulay.

Mahigit 40 bahay na nasa ilalim ng tulay ang naapektuhan ng sunog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinapayuhan naman ng Quezon City government ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta habang nananatiling sarado ang Culiat Bridge II hanggang sa susunod na abiso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending