Popsters ni Sarah gwardiyado si Matteo para masigurong walang ibang nilalandi


May MU (mutual understanding) na kaya sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli?  Kaya namin ito naitanong ay dahil suportado ng Popsters ang premiere night ng pelikulang “Saturday Night Chills” na pinagbibidahan nina Joseph Marco, Rayver Cruz at Matteo na ginanap sa Robinson’s Galleria kamakailan.

Wala si Sarah sa nasabing event at ang katwiran ng nakatsikahan namin, “Mga Popsters lang to support kay Mat (tawag nila sa aktor).”

Ang mga loyalistang tagasuporta raw ni Sarah ang naghahatid ng balita sa isa’t isa kaya’t maski na hindi raw nagkikita ang dalawa ay updated sila sa mga ginagawa ng rumored couple.

Ibig bang sabihin nito, binabantayan nila ang binata para makasiguro na wala itong kinakalantaring ibang babae? Nabanggit pa na maski wala si Matteo sa nakaraang “Perfect 10” concert ni Sarah sa Araneta Coliseum ay alam na alam ng aktor ang mga kinanta at emote ng singer/actress dahil ipinarating daw ito lahat ng Popsters.

Oo nga, bakit ba wala si Matteo sa concert ng inspirasyon niya? “May taping po si Mat ng Galema, hindi po siya pinayagang umalis sa taping,” kuwento sa amin.

Read more...