Jessica Sanchez swerte kay Pacman; Jinkee lumobo ang mukha


Speaking of “Lupang Hinirang” tulad nga ng inaasahan naging maganda at kantanggap-tanggap naman ang rendition ni American Idol runner-up Jessica Sanchez ng ating Pambansang Awit sa  laban nina Manny Pacquiao at Brandon Rios kahapon sa Venetian Resort & Casino sa Macau.

Si Jessica rin ang umawit ng National Athem ng Amerika para kay Rios. Matatandaang si Jessica rin ang umawit ng “Spangled Banner”  noong huling laban ni Pacquiao kung saan nabigo siyang idepensa ang kanyang korona laban kay Juan Manuel Marquez.

First time yatang nangyari sa history ng mga laban ni Pacman na isang singer lang ang kumanta ng mga Pambansang Awit ng dalawang magkalabang kampo, tama ba?

At siguro naman, wala nang magrereklamo sa version ni Jessica ng “Lupang Hinirang”, kahit na nga sa US siya lumaki, masasabing maayos na rin ang pagta-Tagalog niya kahit na nga may kaunting twang pa rin ang pagbigkas niya sa ilang salita sa kanta.

Pinag-aralan umanong mabuti ni Jessica ang awit at nagkaroon pa siya ng pagkakataon na iparinig ito kina Manny at ilang Pinoy officials na nagkakaisa sa pagsasabing perfect ang pagkakakanta nito at talagang nabigyan niya ng justice.

At dahil sa pagkakapanalo ni Pacman laban kay Rios via unanimous decision, masasabing lucky charm na rin niya si Jessica, pati na rin ang asawang si Jinkee Pacquiao na medyo lumobo yata ang mukha, at ang ina niyang si Mommy Dionisia.

( Photo credit to Google )

Read more...