John Prats gusto nang pakasalan, buntisin si Isabel


MUKHANG pinersonal nga ni Jason Francisco ang ilang kaibigan ng mapapangasawa niyang si Melai Cantiveros partikular na ang mga showbiz friends nito na diumano’y kumukuwestiyon sa pagiging responsable niya bilang asawa.

Nauna nang nagsalita si Angelica Panganiban tungkol sa pagpapakasal ng dalawa, hindi nga raw siya imbitado sa kasalan at posibleng dahil nga ito sa mga hindi kagandahang pahayag niya tungkol kay Jason.

Naging close sina Angelica at Melai sa programang Banana Split. Isa pa sa mga close friends ni Melai ay si John Prats, ngunit nagkalamat nga ang kanilang friendship nang sapakin ni Jason ang actor-TV host.

Hindi rin daw invited si John sa kasalang magaganap sa Disyembre. Pero kahit hindi siya imbitado, hindi siya magagalit kay Melai, “Tulad ng sinabi ko dati masaya ako for them.

Kumbaga hindi ko naman kayang ibigay ang happiness na meron sila at ang wish ko lang maging successful at maging okay ang lahat sa kanila.

Pupunta naman daw siya kapag nakatanggap siya ng imbitasyon, “Oo naman, bakit naman hindi?”  “Siguro kung hindi (invited) wala namang sama ng loob kasi siguro it’s their way of celebrating it.

They want it in private and we don’t know eh, it’s their wedding kaya dapat sila dapat ang masunod,” ayon kay Pratty.
Habol pa ni John, nakalimutan na niya ang kasalanan ni Jason sa kanya, “Wala na.

Pinagpasa-Diyos ko na ‘yon. Masyadong maraming problema na kailangang isipin kesa du’n.” Natanong din ng press si John sa isang event tungkol sa relasyon nila ni Isabel Oli, anito, “Pasaya ng pasaya basta matindi ‘yung kasiyahan namin.

No words can explain kung gaano kami kasaya.”  So, posibleng sumunod na rin sila kina Melai at Jason, kasalan na ba ang kasunod? “Well siguro sa amin na lang ‘yun basta alam namin na doon naman pupunta.

Basta siguro in time, sasabihin naman namin, eh.” Feeling namin, handa na si Pratty na lumagay sa tahimik at halatang gusto na rin niyang buntisin si Isabel. Ha-hahaha!

Read more...