Mga Pinoy na galit kay Pacman pumusta kay Rios


Ngayong araw din mapapanood ang boxing match nina Manny Pacquiao and Brandon Rios sa Macau. Marami ang humuhulang patutumbahin ni Pacman si Rios or vice versa sa isang certain round (iyan yata ang mas pinagpupustahan nila – kung anong round mana-knockout ni Pacman si Rios – hindi ang kung sino lang ang mananalo sa kanila.

Mas malaki raw ang premyo sa makakahula kung anong round sila magkakatumbahan, right? Pero huwag ka, hindi na nakuha ni Pacman ng 100% ang mga boxing enthusiasts.

Meron na raw tayong mga kababayan na mas boto sa panalo ni Rios – medyo nahihinaan na raw sila kay Pacman lately.
Ang manager nga ni Pacquaio na si Bob Arum ay nagsalita na, kung matatalo si Pacman this time, bibitiwan na raw niya ito.

Dapat daw mag-retire na si Pacquiao. Patunay lamang na pati si Arum ay hindi na rin nakakasiguro sa estado ng kaniyang talent, di ba?

Ako naman ay hindi mahilig sa boxing but sometimes wala rin akong choice kundi ang silipin ang laban niPacman lalo na kapag nanonood ang mga male friends ko at nagkataong nandoon ako.

I hate kasi seeing somebody na duguan, kahit sabihin pang ang kalaban ni Pacman ang bugbog-sarado. Naaawa ako. Napaka-physical kasi ng larong ito, talagang deliberate na nananakit ka ng opponent mo.

Parang hindi maka-Diyos? Born Again pa naman itong si Pacman kaya medyo lumayo ang loob ko sa kaniya dahil he doesn’t walk his talk.

Siya lang ang Born Again na meron pa ring hawak daw na rosaryo before every boxing match. Di ba bawal sa Born Again iyon? Paano niya maipagtatanggol sa kaniyang mga kapwa-Born Again – na siya lang ang merong license to hold a rosary na pinagbabawal daw sa kanila?

Hay naku! Mahirap nang magsalita. But just the same, good luck na lang sa laban mo, Pacman. Sana nga’y maiuwi mo ang titulong pinapangarap mo.

( Photo credit to INS )

Read more...