Edward Mendez umamin: Oo, totoo nagde-date nga kami ni Vicki Belo!


NAKORNER namin ang macho at guwapong si Edward Mendez sa fundraising project ni Dra. Vicki  Belo sa kanyang sosyal na clinic sa Residences sa Greenbelt.

Isa si Edward sa mga endorser ng Belo na hiningan ng used clothes ni Dra.Vicki para   ibenta sa kanyang “Belo Gives Back” project kung saan ang kikitain ay ibibigay sa mga biktima ni Yolanda.

Personal trainer din si Edward ng pamilya ni Dra. Vicki kaya madalas silang nagkakasama. No wonder na-link din siya sa doktora.

“Yeah, nali-link ako kay Doktora kasi matagal na akong ano, e, close sa family niya. Ten years ago pa. Before kasi madalas ako dito sa clinic dahil nagpapa-treatment ako.

Dahil noong unang visit ko rito galing sa US, nagkaroon ako ng breakout. Nag-a-adjust ‘yung skin ko. Naghahanap ako ng pinakamagaling na dermatologist and ano, si Vicki ‘yung nakita ko kasi she’s all over the news.

Tapos ayun, pabalik-balik ako,” kwento niya.  Hindi lang daw siya kay Dra. Vicki naging close kundi pati sa mga anak nito na sina Cristalle at Quark Henares pati na sa ex-husband ng beauty surgeon na si Atom Henares.

“Wala kaming relasyon other than being friends but Vicki is very beautiful. Lahat ng tao mai-in love talaga sa kanya kasi sobrang kind-hearted na tao. Tsaka very generous.

Like,  ito ngang ginawa niya ngayon. It took her a lot of effort and time to get this organized. Sobrang pagod na pagod siya pero for a good cause. It puts a smile on her face, nakaka-inspire talaga.”

Inamin naman ni Edward na nagdi-date sila ni Dra. Vicki, “Oo, date as in wholesome. We go out, dinner. Magkakasama rin madalas ‘yung family. Madalas ako sa bahay nila, family lunch, tapos dinner,” tsika ni Edward.

Hindi naman importante kay Edward kung mas mature ang babaeng makarelasyon niya. “Sa pag-ibig naman walang bata o matanda, kung ma-in love ka, ‘di ba? Pero iba-iba rin ang type ko, e.

Kasi sa mature na age na ‘to naghahanap ako nu’ng makaka-connect sa akin pagdating sa intellegence at saka nakaka-appreciate ng sense of humor. And of course, hindi lang mga shallow things ang pag-uusapan.

Gusto ko ‘yung malalim, e.” Si Dra. Vicki nga ‘yan, sabi namin kay Edward, “Yeah, kami ni Doktora mahilig kaming mag-share ng mga philosophical stuff. Mahilig siyang magbasa, mahilig din akong magbasa.

So, nagbo-book discussion kami. ‘Yung mga binibigay niya sa aking regalo madalas books and vice versa. ‘Yun ang isang trip namin.”

Maaari raw in their past lives, e, magkarelasyon sila, “Hanggang best friends lang talaga kami. Platonic, I can say. Maybe in our past life, yeah. But we’re just really good friends.”

For sure, may  plano siya na ligawan si Dra. Vicki, “Wow! Well, I’m happy where I stand,” ngiti niya. E, saan nga ba siya nakapwesto sa puso ng sikat na beauty surgeon? “Ha-hahaha! I’m happy kung saan ako sa buhay niya.

I think  that’s a very healthy relationship now, friendship. And not only being friends, you know, almost being a family. And I consider her as one of my best friends.”

Sa ngayon daw focus siya sa sinulat niyang libro about fitness titled “Less Exercise Your Dream Come True.””Ang philosophy kasi ng book ko completely opposite nang pagda-diet kasi kailangan kang kumain nang kumain.

Tapos ‘yung exercise naman na needed very less. So, kabaligtaran. Sa pamamagitan ng book sana maging totoo ang dream nila.”
Nagaral daw sa US si Edward sa Fitness World science.

Fitness daw talaga ang passion niya at related daw ‘yun sa degree niya,  Right now, kasama si Edward sa teleserye ni Derek Ramsay sa TV5, ang For Love Or Money.

Meron din daw pinag-uusapan na kasunod na movie niya after ng “Kung Fu Divas.”

Read more...