Masuwerteng anak (2)

Sulat mula kay Aida ng Libungan, North Cotabato
Problema:
1.      Bata pa lang kami nang iwan kami ng nanay at tatay ko sa aming lola. Lahat ng klase ng paghihirap  ay naranasan ko dahil ako ang panganay sa apat na magkakapatid at wala nga po akong kinagisnang mga magulang. Kaya nang tumuntong ako ng 18-anyos, maaga akong nag-asawa sa pag-aakalang makalalabas na ako sa kahirapan. Pero nagkamali ako.
2. Sa halip na maging maayos ang aking buhay, lalong naging miserable. Lasenggo at iresponsable ang lalaking napangasawa ko. Inanakan lang ako nang inanaakan kaya nakipaghiwalay ako sa kanya.  Ngayon, may kinakasama ako na may mga anak din. Hirap na hirap kami sa buhay kasi wala naman siyang permanenteng trabaho. Itatanong ko lang po kung may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan? July 13, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Aida ng Libungan, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing ang anak na isinilang sa sign na Capricorn, Taurus, at Pisces ang magdadala sa iyo ng isang sagana at maunlad na pamumuhay, kaya dapat lang na alagaan at mahalin mo siyang mabuti.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sadyang idadaan ka muna ng tadhana sa grabeng mga paghihirap at tiisin sa buhay, ngunit isang anak na isinilang sa petsang 14, o kaya’y 25 ang mag-aahon sa inyong mag-asawa sa kahirapan.
Luscher Color Test:
Lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabi mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magandnag kapalaran.
Physiognomy:
Upang lalo pang palarin sa buhay, maglagay ka ng artificial na nunal sa kanang bahagi ng iyong pisngi. Kapag nagkaroon ka na ng nasabing nunal, tuloy-tuloy ng gaganda at yayabong ang iyong kapalaran sa aspetong pananalapi at pang-materyal na mga bagay.
Huling payo at paalala:
Aida ayon sa iyong kapalaran, tulad ng naipaliwanag na, matatapos na rin ang iyong mga paghihirap at ito ay magsisimulang maganap.  Isang lalaking anak ang makapaga-abroad at sa sandaling nakapag-abroad ang iyong anak, tuluy-tuloy na kayong susuwertehin sa buhay, hanggang sa makaahon sa kahirapan hanggang sa tuluyan na ring umunlad.

Read more...