Mga biktima ni ‘Yolanda’

ILANG residente na pawang mga biktima ng super typhoon Yolanda mula sa leyte ang lumapit sa Aksyon Line.

Sila ay nagtungo dito sa Maynila sakay ng C-130 at nakipagsapalaran na makahabap ng trabaho dito sa tulong ng Department of labor and Employment at nanawagan din sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tulungan sila para sa pagkukumpuni ng nasirang bahay sa Leyte dulot ng super typhoon.

Dear Aksyon line, ako po si Lowel Saguban na taga Jaro, Leyte.

Sana po ay matulungan niyo po ako na mapagawa po ang bahay namin sa Jaro, leyte sa 243 del carmen St. jaro leyte
Lowel Saguban

Ako po si Joseph M. Diones.

Ako po ay humihiling na maayos na ang bahay ng aking mga biyenan dahil sa bagyong sa brgy Pinamuk-New washington aklan. nasira po yung bubungan.

Sa ngayon ay nandon pa rin po ang asawa at mga anak ko tumutulou.
Maraming
salamat po
Joseph Diones

Ako po si Marjohn Azcarraga na nakatira sa 1120 San Isidro St brgy 1 Poblacion Jaro leyte.

Ako po ay nanawagan na sana po ay maayos po ang nasirang bahay namin sa Jaro, Leyte.

Tatlo po kaming magpapamilya na nawalan ng tirahan.

Naiwan po ang dalawang panikua namin doon at kami lang po ang nakaluwas sa Mayjula.apat po kami na sumakay ng C-130.

Sana po ay matulungab ninyo ang pamilya ko.

Maraming salamat po
Marjohn Azcarraga
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE.
Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...