Bagong asawa ni Benjie Paras tinawag na ‘EVIL STEPMOM’ ng mga kakampi ni Jackie Forster


Nabasa namin sa isang website ang rants ng wife ni Benjie Paras. She deliberately took a swipe at Benjie’s ex, Jackie Forster.
Masakit ang rants ng dyowa ni Benjie na nagsabing, “When you leave your sons for selfish reasons, you stop being his mom”.

Mas matatandaan ng mga bata ang mom na nagbigay sa kanya ng happy home at hind ‘yung nag-expose sa kanya sa “immoral behavior”.

Grabe namang makapanlait ang babaeng ito. It was as if she’s better than Jackie.  With her rants ay katakot-takot na lait din ang inabot ng dyowa ni Benjie. Lahat yata ay kumampi kay Jackie.

“OMG grabe naman sya ang ex mo din pinayagan nyan turuan ang asawa nya siraan ka sana d dinamay ang mga bata kung may galit sya sa iyo kayo lang dalawa d sinama bata sa away at galet d nya dapat pinalake ang bata na maging ganon sa yo kung matino silang tao d masama ilalagay mo sa isip nila.

“Baket mo kailangan turuan ang anaK mo Nang galit sa puso nila d tama yan d dapat dinamay ang bata sa problema nyong dalawa at ang asawa nya bago…bastos d dapat nakikialam,” one obviously pissed off fan of Jackie commented.

“Anong klaseng step mom yan?” asked one guy. “What goes around, comes around, Mama @jackie_forster. Ipagdasal niya na her own kids won’t do the same to her. #karma,” sabi naman ng isa pang maka-Jackie.

“Inggit lang c evil stepmom kc ang guguwapo at npkaganda ng anak mo. Samantalang sya…” pananaray  ng isa pa. To all these, Jackie’s response was “This is my way of letting it go.

I’ve kept this in long enough.. I already feel a release of burden. I probably should have done this sooner but then again His timing is always perfect. More evidence keeps pouring in.”

Ibinigay na rin ni Jackie ang hinihinging space ng kanyang mga anak na sina Andre at Kobe, “After I am rid of my birthday blues I will leave my boys alone…yet again. I will give them space. Space.

I will only leave messages on special occasions,” sabi niya. Mukhang matindi ang INSECURITY ng wife ni Benjie kay Jackie. Wala siyang karespe-respeto sa aktres. It was as if siya ang nagsilang kina Kobe at Andre.

With what she did ay tiyak ring marami ang na-turn off sa magkapatid. Lalo tuloy naiisip ng mga tao sa social media kung anong klase silang mga bata.

Sabi pa nga ng ilang netizens, wala silang mga kuwentang anak kaya hinding-hindi sila susuwertihin sa buhay. While it is true that RESPECT is EARNED, hindi naman sapat ang galit nila para hayaan nila ang kanilang second mom na magtaray sa kanilang biological mom.

At hindi rin ba naisip ng bagong wife ni Benjie na marami ang namuhi sa kanyang ginawa kay Jackie?

( Photo credit to Google )

Read more...