Andi: Sana naman wag akong magkadyowa ng bakla!


Kung mabubuking ni Andi Eigenmann na bading pala ang asawa o boyfriend niya, ano kaya ang gagawin niya? Ito ang isa sa naitanong kay Andi sa nakaraang presscon ng bago niyang pelikula under Viva Films, ang “When The Love is Gone”, at sey ng aktres, napakahirap ng ganu’ng sitwasyon para sa isang babae.

“That’s hard to handle, sana naman huwag mangyari sa akin in real life. Ha-hahaha! Ayoko! But just the same, if that would happen, siguro tatanggapin ko na lang.

Definitely, wala na kami, hiwalayan na ‘yun. But we can stille be friends. Mag-sisters na lang kami!” sagot ni Andi.
Samantala, aktibo rin ang anak ni Jaclyn Jose sa pagtulong sa mga nasalanta ni Yolanda.

Ito’y sa kabila nga ng pagka-busy niya. Bukod sa halos araw-araw na taping ng serye niya sa ABS na Galema, wala ring tigil si Andi sa pagpo-promote ng “When The Love Is Gone”, kasama sina Gabby Concepcion, Alice Dixson, Cristine Reyes at Jake Cuenca, directed by Andoy Ranay, showing na ito sa Nov. 27.

Magkakaroon ng garage sale si Andi sa mismong bahay nila sa Loyola Grand Villas sa Quezon City ngayong araw at pagkatapos nito, paplanuhin na nila ang pagpunta sa Tacloban ngayong holiday season para mamigay ng relief goods sa mga tagaroon.

Anyway, ang pelikulang “When The Love Is Gone” ay inspired ng classic 80s movie na “Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi” na idinirek ni Danny Zialcita. This is a story of two troubled souls trapped in a loveless relationship.

But they find comfort in each other’s arms. Sey ni direk Andoy Ranay, kung nag-enjoy kayo sa mga pelikulang “No Other Woman” at “A Secret Affair” tiyak na mas magugustuhan n’yo rin ang “When The Love Is Gone” na may tema rin ng “kabitan”.

Read more...