Sam ipagpapalit si Jessy kay Alex?


MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon sina Sam Milby at Alex Gonzaga ngayong Sabado (Nob. 23) sa ikalawang episode ng Wansapanataym Christmas Special.

Sa episode na pinamagatang “Fruitcake”, gagampanan ni Sam ang karakter ni Charles, ang guwapong boss na kinahuhumalingan ng ugly-duckling na si Elaine, na bibigyang buhay naman ni Alex.

Unti-unting matutupad ang pangarap ni Elaine na mapaibig si Charles nang mapagkalooban siya ng magic bowl na mistulang may gayuma na nagpapaganda ng kanyang anyo sa paningin ng sinumang kakain ng fruitcake na ginagawa niya rito.

Ano ang gagawin ni Elaine kung sakaling ang gayuma na ginagamit niya ay maubos?  Mapatunayan kaya niya kay Charles na siya ay karapat-dapat mahalin ano man ang itsura niya?

Kasama nina Sam at Alex sa “Fruitcake” episode sina Arlene Muhlach, William Martinez, Clarence Delgado, Thou Reyes, Beauty Gonzales, Eda Nolan at Hermie Concepcion. Ito’y idinirek  ni Tots Sanchez-Mariscal.

Ang tanong, naging close kaya sina Sam at Alex habang ginagawa ang episode na ito? Hindi kaya mabaling kay Alex ang atensiyon ni Sam at makalimutan na niya si Jessy Mendiola? Walang imposible sa pag-ibig. He-hehehe!

Read more...