Kasalang Maya-Sir Chief gumawa ng history sa TV


Masasaksihan na ng buong bayan ang TV special ng Be Careful With My Heart na pinamagatang “Our Fairytale Wedding: The Happy Ever After Begins.”

Bukod sa top-rating wedding scenes nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap), tampok rin sa TV special ang mga never-before-scene footage ng preparasyon ng kasal, mga panayam sa iba pang bumubuo ng Maya-Ser Chief love story, isang eksklusibong “silip” sa paglikha ng kasalang nagpakilig sa lahat ng manonood, at ang after-wedding party na ipinagdiwang kamakailan kasama ang Be Careful fans na nanalo sa text promo at ABS-CBN executives kabilang ang chairman na si Gabby Lopez.

Huwag palampasin ang Our Fairytale Wedding: The Happy Ever After Begins, ngayong Linggo, 10:45 p.m., sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

 

Read more...