Semana Santa 2025: Mga bagay na ginugunita sa bawat araw

Semana Santa 2025: Mga bagay na ginugunita sa bawat araw

ISA ang Semana Santa o Holy Week sa mga mahahalagang pangyayari taon-taon para sa mga mananampalatayang Katoliko at Kristiyano kung saan ginugunita ang pag-aalay ng Panginoong Hesu Kristo ng kanyang sarili para iligtas ang sanlibutan mula sa mga kasalanan.

Ito ang panahon para sa mga Katoliko upang magnilay-nilay at pagsisihan ang kanilang mga nagawang kasalanan upang baguhin ito.

Madalas na ginugunita ang Semana Santa kasama ang pamilya, at isa sa mga oportunidad para mas mapatibay ang relasyon ng magkakapamilya.

Sa loob ng isang linggo ay iba’t iba ang ginugunita mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.

Linggo ng Palaspas

Sa Linggo ng Palaspas ay binabalikan ang pagpasok ni Hesus sa Jerusalem sakay ang isang asno.

Nagdiriwang ang mga tao ng Pista ng Paskwa kung saan naglatag ang mga tao ng dahon ng palaspas sa kanyang dinaraanan.

Ito ang unang araw ng pagsisimula ng Semana Santa.

Lunes Santo

Sa araw na ito ay ipinabatid Niya sa mga tao ang kahalagahan ng Bahay-Dalanginan o House of Prayer.

Ayon sa Bibliya, nilinis ni Hesus ang templo at pinaalis ang mga mangangalakal at ang mga nagpapautang ng pera sa loob ng templo.

Nagbigay rin Siya ng mga turo sa mga lider ng simbahan.

Martes Santo

Sa pangatlong araw ng Semana Santa ay ginugu ita ang patuloy na pagtuturo ni Hesus mg mga aral sa mga mamamayan ng Jerusalem sa pamamagitan ng parabula na siyang nagpaalab mg galit ng mga Pariseo at Saduseo.

Ito ang araw na sinabi niya sa mga Apostol na siya ay pagtataksilan ni Hudas.

Miyerkules Santo

Kilala rin sa tawag na “Spy Wednesday”, sa araw na ito ay ang pagsisimula ng pagkakanulo ni Hudas kay Hesus sa mataas na saserdote kapalit amg 30 pirasong pilak bilang kabayaran.

Ito rin ang araw kung kailan binasag ni Maria ng Betania ang sisidlan at ibinuhos ang buong laman ng mamahaling pabango kay Hesus.

Baka Bet Mo: Semana Santa 2025: Alamin ang mga tradisyong Pinoy, bakasyon ba o pagninilay?

Huwebes Santo

Apat na kaganapan ang inaalala tueing Huwebes Santo: ang paghuhugas ng paa ng mga apostol ni Hesus, ang pagtatalaga ng Misteryo ng Banal na Eukaristiya sa Huling Hapunan, ang pananalangin ni Hesus sa halamanan ng Getsemani, at ang pagkakanulo ni Hudas kay Kristo.

Ginaganap rin sa araw na ito ang Visita Iglesia o ang pagdalaw sa pitong simbahan (o maaaring mas marami pa).

Biyernes Santo

Tuwing Good Friday ay ang paggunita sa pagpapako sa Krus at ang Kanyang pagkamatay para iligtas ang sanlibutan.

Tuwing araw rin na ito isinasagawa ang Station of the Cross at ang 7 Last Words na binitawan ni Hesus bago siya mamatay.

Sabado de Gloria

Kilala rin sa tawag na Black Saturday kung kailan inilibing si Hesus. “Black” dahil ito ang araw ng paghihinagpis sa pagkamatay ni Hesus ng mga Apostol at ng mga taong naniniwala sa Kanya.

Ito rin ang huling araw ng Kuwaresma.

Linggo ng Pagkabuhay

Kilala rin sa tawag na Easter Sunday, ang pagtatapos ng Semana Santa kung saan ito ang pinakamasayang araw dahil sa muling pagkabuhay ni Hesus matapos ang tatlong araw na pagkakamatay.

Ilan sa mga madalas gawin tuwing Araw ng Pagkabuhay ay ang Earter egg hunt.

Read more...