
PHOTO: Instagram Story/@uarmyhope
AFTER eight long years, muling bumalik sa Pilipinas si j-hope, ang isa sa miyembro ng K-pop sensation na BTS!
Si Hobi ay dumating sa bansa kahapon, April 11, bilang paghahanda sa Manila leg ng kanyang concert tour na “Hope on the Stage.”
Sa kanyang Instagram Stories, masayang ibinandera ni j-hope ang “off to Manila” moment kung saan makikita ang isang simpleng video habang nasa eroplano.
Baka Bet Mo: BTS j-hope may sariling TikTok na, dinumog ng fans: ‘OMG! Is this real?!’

PHOTO: Instagram Story/@uarmyhope
Pagkalapag naman niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sinalubong agad siya ng masigabong hiyawan at camera flashes mula sa excited Pinoy ARMYs.
Kahit pa naka-face mask at cap, hindi siya nakatakas sa matatalas na mata ng fans na syempre, naglabas agad ng videos sa social media!
I just can’t help myself — I’ve been an ARMY for a decade, and finally, one member is back.
—my high school friend saw Hobi and took this video this close huhuhu because she’s working as a ground crew here sa airport.
—not jmf related ✌🏻 pic.twitter.com/dcoulNGWBo
— sxphrxsynxx⭐|| CRAZY FOR YOU (@sxphrxsynxx_x) April 11, 2025
Ngayong weekend magaganap ang kaabang-abang na concert ng K-Pop star.
Ito ang unang stop ng kanyang Asian tour!
After Manila, susunod na ang Japan, Singapore, Jakarta, Bangkok, Macau, Taipei at Osaka.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may solong BTS member na pumunta sa Pilipinas.
Kung matatandaan, taong 2017 pa nang huling bumisita ang buong BTS para sa kanilang “Wings Tour.”
Maaalala rin na pansamantalang nawala ang grupo sa spotlight simula 2022 dahil sa kanilang mandatory military service sa South Korea.
Si Hobi, natapos ang kanyang 18-month service noong October 2023, at sinalubong pa siya ng ka-BTS na si Jin na unang natapos noong June.
Ang BTS ay nakatakdang makumpleto at magbalik sa music industry ngayong taon.