DFA kinumpirmang 2 Pinoy na ang nasawi mula sa lindol sa Myanmar

DFA kinumpirmang 2 Pinoy ang nasawi mula sa lindol sa Myanmar

MATAPOS ang halos dalawang linggo mula nang maganap ang malakas na lindol sa Myanmar, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dalawang Pinoy na ang nasawi mula sa insidente.

Nitong Miyerkules, April 8, sinabi ni Usec. Eduardo de Vega na na-retrieve ang katawan ng unang nakilalang Pinoy noong Martes, April 7, at agad na na-identify ng National Bureau of Investigation sa pamamagitan ng tattoo at passport nito.

“Kinakausap namin ‘yung pamilya at tingnan natin kung ano pang assistance ang maibibigay natin. We want to respect them in this time of crisis pero parang alam na rin nila kasi matagal na rin,” saad ng DFA Undersecretary.

At ngayong Huwebes, April 10, isa na namang Pinoy ang naideklarang sawi mula sa trahedya sa Myanmar.

Baka Bet Mo: Lindol sa Myanmar, Thailand kumitil ng mahigit 1,000 katao

“The Department of Foreign Affairs is informed by the Philippine Embassy in Yangon of the positive identification of the remains of a second confirmed Filipino victim of the powerful 7.7 earthquake which hit Myanmar last March 28,” saad sa pahayag ng DFA.

Matatandaang apat na mga Pinoy ang missing matapos ang naganap na 7.7 magnitude earthquake sa Myanmar.

Patuloy naman ang ginagawang efforts ng gobyerno para mahanap ang dalawa pang Pilipinong nawawala.

“We continue to hope for the best for the remaining two Filipinos still unaccounted for in Mandalay, Malaysia,” sabi pa ng DFA.

Sa ngayon ay papunta na ang pamilya ng unang nasawing Pinoy na nakilalang si Francis Aragon.

Read more...