Ito ay base sa ginawang survey ng BANDERA sa Internet na may tanong na “Nora Aunor laos na o sikat pa?” na sinimulan noong Martes, Agosto 12 at tumatakbo hanggang kahapon.
Ayon sa pinakahuling tala ng survey sa blogsite ng Bandera na Banderablogs@wordpress.com, nasa 72.98 porsyento o 17,373 ng kabuuang 23,805 na bumoto ang sinasabing sikat pa si ate Guy.
Botong 6,397 o 26.87 porsysento naman nang nagsiboto ang naniniwalang kupas na ang ningning ni La Aunor; habang 0.15 porysento o 35 katao lamang ang walang pakialam kung sikat pa ang aktres o hindi na.
Umani rin ng ilang daang komento ang survey na umikot hindi lamang sa blogsite kundi maging sa Twitter.
Ilan din sa mga nagkomento ang bumatikos sa Bandera dahil sa ginawang survey.
“Disrespectful naman ang tanong na yan. Your poll is undermining the accomplishments of an institution of Philippine showbiz. The mere fact it is being asked is disrespectful,” ayon sa isang Anthony Andres sa kanyang Twitter account.
Wala namang intensyon ang Bandera na siraan o bastusin ang aktres, paliwanag ng Deputy Editor ng BANDERA na si Jimmy Alcantara.
“Gusto lang naming mapulsuhan kung tinatanggap pa rin siya ng publiko makalipas ang walong taong pagkawala sa Pilipinas,” ayon kay Alcantara.
Sinabi ng isang Buffy na, “I pity channel 5 for getting Nora. Sila rin ang malulugi niyan. Nora’s luster had long been gone. Wala ng himala talaga.”
Sagot naman ni Nestor De Guzman sa kanyang Facebook account: “Have the novels by Jose Rizal ever lost their significance? Did the paintings of Juan Luna depreciate in value literally and figuratively? Aren’t we still fascinated by some of the movies by Brocka and Bernal? Works of art endure—and will never be “laos.” And so are the performances of Nora Aunor captured in films such as Himala, Bona, Tatlong Taong Walang Diyos,etc.” — Dona Policar, Associate Editor
Editor’s note: Lumabas ang balitang ito una sa print edition ng Bandera noong Agosto 14, 2011.