Ryan vs Juday: Bugbugan na…matira, matibay

JUDY ANN SANTOS AT RYAN AGONCILLO

GAME show pa rin ang gagawin ni Ryan Agoncillo sa GMA 7, matapos ngang pagharian nito ang TV5 sa pamamagitan ng flagship program noon ng Kapatid network na Talentadong Pinoy.

Inakala nga ng marami na pipirma uli ng kontrata si Ryan sa TV5 pero mukhang mas nagustuhan ni Ryan ang offer ng GMA 7.

Ayon sa TV host-actor, naging malaking factor din ang pagiging dabarkads niya sa Eat Bulaga sa pagpirma niya ng contract sa Siyete.

Bukas na ng gabi magsisimula ang bago niyang game show sa GMA, ang Picture! Picture!, he will be doing his usual flare on hosting that is cool, relax and comfortable, mga tatak na napansin din namin ngayon sa style ng kanyang asawang si Judy Ann Santos sa reality game show naman nito sa ABS-CBN.

“Ganu’n ba?” pakling tanong ni Ryan na nagpatiuna na sa pagsasabing, “Nagkataon lang siguro talaga,” patungkol sa sinasabing tapatan ng kanilang respective shows tuwing Sabado.

Kahit ang head ng production and programming ng GMA 7 ay nagsabi ring noon pa talaga sila mayroong ganitong project for a

Saturday timeslot at hinintay lang nila ang pagpirma ni Ryan dahil sa tingin nila ay perfect si Ryan sa konsepto ng Picture! Picture!

Well, napanood namin ang show via a mock-up challenge involving some friends from the press at alam naming maning-mani lang kay Ryan ang naturang trabaho.

Kung sakaling magkaroon ng kumpetisyon ang mag-asawang Ryan at Juday dahil sa mga shows nila pag Sabado ng gabi, ay malalaman natin sa mga susunod na kabanata, kaya abangan!

Samantala, nakatakdang sumali sa isang triathlon race si Ryan sa December na first time niyang gagawin. Kaya halos araw-araw daw siyang nagte-training sa swimming, running at biking kasama si Juday at ang mga anak nilang sina Yohan at Lucho.

 

Read more...