Geoff pumayat pero hindi natuyot ang itsura

 

GEOFF EIGENMANN

Never nag-deny si Geoff Eigenmann sa “fat memo” issue.

Everyone was impressed sa pagpayat ni Geoff during the presscon of Adarna na part ng TeleBabad after 24 Oras. Tumaba ng husto si Geoff while doing Forever noon with Heart Evangelista and before he was able to return to work, balitang nakatanggap siya ng memo na magpapayat, ang infamous “fat memo” nga.

Sa Adarna launch, outright ang pag-amin ni Geoff that he received such a memo although ang naging tingin niya rito was a constructive advise na para rin naman sa kaniya so never niya itong dinenay or kinagalit.

It took more than six months for Geoff to get back to his body dahil after Forever, nagbakasyon pa siya sa US to be with his brother AJ Eigenmann at doon, mas lalo pa siyang lumusog. Pagbalik niya sa Pilipinas, dito siya puspusang bumalik sa training and more than 40 pounds na ang nawala sa kaniya and plans to shed more. Maganda naman ang naging kinalabasan ng kaniyang pagpapayat, hindi siya nagmukhang haggard at tuyot like those who do extensive slimming.

Meanwhile, mamaya sa Adarna, malalaman ni Ada na mag-a-apply sa kumpanya ni Migo si Janelle. Kahit paano’y hinahangaan ni Ada ang sikat na athlete. Ngunit babarahin agad siya ni Janelle. Tatahimik lang si Ada.

Read more...