DOC, pag chronic na po ang UTI, ano po ang negative effect nito sa sex para sa mga lalaki? – Irujab, 40, Esperanza, Sultan Kudarat, …8610
Pwedeng pagkabaog ang isa sa pangit na epekto nito. Hindi rin maganda ang epekto nito sa pagtatalik kasi mahihirapan sa “ejaculation” ang merong UTI, especially kung chronic pa ito. Maiging magpatingin na agad para hindi na umabot sa ganitong sitwasyon.
Hello, Dr. Heal. Ask ko lang po anu-ano po ba ang dapat kainin para maging active sa sex at healthy ang mga sperm cell ko? kasi gusto na talaga namin ng asawa ko na magkaanak na kami. –Marvin, 29, Kabacan, …8727
Hi, Marvin, bata pa kayo ni misis para mangailangan ng mga supplements. Ilang taon na ba kayong mag-asawa? Ipadala mo ang sperm analysis mo. Regular ba ang regla ng asawa mo? Nagpa-ultrasound na ba siya sa uterus and ovaries, nagpapa-Pap smear na ba siya? gawin n’yo muna ang mga ito.
Dr. Heal gud pm po. Tanong ko lang po bakit po ako laging nakakaramdam ng pagdumi kahit po wala namang lumalabas e lagi pa rin akong nadudumi. Nakakaabala sa trabaho at minsan sa pagtulog. Thanks po sa mga advice ninyo. — Roberto C. Reyes, 60, Gulod, Novaliches Quezon City, …9419
Maigi po na magpa-eksamin sa Gastroenterologist. Tumawag po kayo sa Radyo Mediko para makuha ko ang lahat ng detalye ng problema nyo. Araw araw po kaming mapapakinggan sa 990AM Radyo Inquirer alas 8 hanggang alas-9:30 ng gabi.
Ang pagdi-dyeta ay ginawa na ng maraming tao, sa katunayan, isa ito sa pinakasikat na paraan ng pagpapayat. Epektibo ang lahat ng dyeta, nguni’t mahirap sundan ito ng pang-matagalan.
Ang “dieting” ay hindi dapat mauwi sa “cycling” o “yoyo”, kung saan ang nawalang timbang ay madaling bumabalik. Mabilis mawala ang “dynamic weight” na 10 hanggang 15 porsyento (10-15%) ng timbang, mabilis din ito maibalik.
Dapat ang pagdi-dyeta ay hindi nakatutok sa mabilis na pagkawala ng timbang. Ang unang nawawala sa “drastic dieting” ay timbang ng tubig lamang.
Ang pagbawas ng “500 calories” sa balanse ng kinakain at ginagastos araw-araw ay magdudulot ng pagbawas ng timbang na isang libra (1 pound) sa isang linggo.
Ang ehersisyo ay epektibo rin dahil sa kung nadadagdagan ang “muscle mass”, ay tumataas ang “metabolic rate”, at mabilis matunaw ang calories. Nguni’t kinakailangan na tuloy-tuloy din ito. Kapag tumigil sa ehersisyo at napanatili ang pagkain ng madami, babalik din ang timbang.
Kakaunti lang ang mga gamot na nakaka-apekto ng “appetite”. Sa totoo lang, ang mga “side-effects” ng mga “appetite suppressants” ay ang kinakailangan makuha para maging epektibo. Dito pumapalpak ang mga gamot dahil hindi maari na patuloy inumin ang mga ito.
Meron ba kayong nais isangguni kay Dr. Heal? I-text HEAL ang inyong pangalan, edad, lugar, at mensahe sa 09999858606.