“I’M so proud of Untold!” ito ang sabi ni Regal producer Atty. Keith Monteverde sa ginanap na grand mediacon ng pelikulang “Untold” sa pangunguna ni Jodi Sta. Maria.
Natanong kasi si Atty. Keith kung ano ang reaction niya sa pelikula lalo’t hands on siya rito katulad ng mommy niyang si Ms Roselle Monteverde at ang namayapang lola na si Mother Lily Monteverde.
“I’m so impressed with everything kahit sa script reading palang nakikita mo na how impressive the story (and) the movie’s point of view of course. The cast super good and direk Derick Cabrido did a great job putting the project together,” sabi pa.
Baka Bet Mo: EXO Doh Kyung-soo nagpakilig, nagpaiyak sa ‘Secret: Untold Melody’\
Nabanggit din producer na kasama si Enrico C. Santos sa nagsulat sa pelikulang “Untold” at kasama ang mama Roselle niya sa bumuo ng pelikula with direk Derick.
Pagkatapos ng mediacon ay natanong namin si Ms Roselle kung ano ang ginawa ni direk Derick at napapayag siya sa malaking budget ng “Untold” dahil kilala namin ang direktor na magastos siya, marami siyang gustong mangyari sa isang eksena at talagang ipipilit niya ito.
“Paanong hindi ka papayag, ang ganda ng vision niya tapos in-explain niya sa akin why dapat gawin, and nu’ng nakita ko, oo maganda naman talaga, wala akong masabi, maganda talaga,” paliwanag ni Ms Roselle.
Tawa naman ng tawa si direk Derick dahil binanggit mismo ni ms Roselle kung magkano ang nagastos sa pelikulang “Untold” kaya’t challenge ito dahil kailangang kumita ito, lalo’t unang horror movie ito ni Jodi sa Regal Films na hinintay niya ng 27 years.
Samantala, speechless ang ilang cast na nakapanood na ng “Untold” nang mag-advance screening sila sa Cebu City kung saan nag-mall tour at radio tour sila dahil ang ganda ng pagkakatahi-tahi ng mga eksena dahil iba naman daw ‘yung nababasa nila sa script.
Anyway, ang cast na dumalo sa grand mediacon ng Untold ay sina Jodi Sta. Maria, Joem Bascon, Sarah Edwards, Lianne Valentin, Juan Karlos Labajo at Ms Gloria Diaz at ang mga hindi naman nakadalo ay sina Kaori Oinuma, Gian Magdangal, at Mylene Dizon.
Mapapanood ang Untold movie nationwide simula sa April 30 at PG 13 ito without cut ang ibinigay na rating ng MTRCB at mapapanood na rin ito sa ibang bansa dahil nag-collab ang Regal Entertainment sa Star Cinema/ABS-CBN at TFC.