TOTOO nga ba ang mga kumakalat na chika ngayon sa social media kung saan sinasabing magkarelasyon na ang Kapamilya stars na sina Zaijian Jaranilla at Gela Atayde?
Sa isa sa mga episodes ng “Showbiz Update” na ipinalabas noong Biyernes, March 28, isa sa mga naging topic nina Ogie Diaz at ng mga kasamahan ang dalawang Star Magic artists.
Ayon raw sa mga nasagap niyang balita, magdyowa na raw sina Zaijian at Gela.
“Aba, mag-boyfriend [at] mag-girlfriend na raw. E, ‘di ba si Ria [Atayde] si Zanjoe [Marudo], letter Z? ‘Yong kapatid naman daw si Gela, letter Z rin daw,” saad ni Ogie.
Baka Bet Mo: Zaijian, Miggy mas mature ang atake bilang gay couple sa ‘High Street’
Pagpapatuloy pa niya, “Zaijian Jaranilla. Si Santino raw. Mag-jowa na raw.”
Ngunit duda raw ang talent manager-showbiz insider sa kanyang naging source dahil wala namang announcement ang dalawa tungkol rito.
“Baka naman puppy love lang,” hirit pa ni Ogie.
Sa ngayon ay wala pa namang pahayag sina Zaijian at Gela tungkol sa isyu.
Nagkasama ang dalawa sa Kapamilya hit series na “Senior High” at “High Street”.
Abangan na lang natin kung kailan nga ba maglalabas ng pahayag ang dalawa hinggil sa chika.
Bukas naman ang BANDERA para sa paglilinaw ng dalawa hinggil ss isyu.