SUPER proud ang longtime partner ni Klarisse De Guzman na si Christrina Rey sa pagiging matapang ng Kapamilya singer sa pag-amin sa buong mundo na isa siyang bisexual.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang artcard mula sa ABS-CBN News kalakip ang mensahe kung gaano siya kasaya para sa kanyang partner.
“I AM PROUD OF YOU! I’m always here, always! I’ll wait u here sa outside world. Love Wins,” saad ni Christrina.
Kalakip ng kanyang mensahe ang rainbow flag at white heart emoji.
Baka Bet Mo: Klarisse de Guzman naging ‘sign’ si Michelle Dee para mag-out
Sa hiwalay na Facebook post ay proud na proud si Christrina na ipagsigawan sa mundo ang pagmamahal kay Klarisse.
“Baliko man o tuwid, yan ang mundo at walang mali sa’yo. Sa mga hindi daw nakatulog ng maayos nung nakaraan, sana po himbing sleep niyo last night.
“Sana po ay patuloy niyong yakapin at mas mahalin ang nag-iisang KLARISSE DE GUZMAN! Keep on shining Our Soul Diva,” sey ni Christrina.
Matatandaang marami ang natuwa sa naging pag-amin ni Klarisse sa latest episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab”.
“Sa tingin ko, ito na ‘yong time para sabihin sa inyong lahat, and to tell the world, that I am not straight. I am bi.
“May four-year akong partner. Her name is Trina. Hindi alam ng public, pero alam ng parents ko. And kasama ngayon ng mama ko is her,” sabi pa ni Klarisse.