Misis naloloka sa isyu ng asawa’t biyanan: Mukha ba ‘kong pera?

Misis naloloka sa isyu ng asawa't biyanan: Mukha ba 'kong pera?

Stock image

TANONG ng isang misis sa pinagdaraanan niya ngayon sa buhay, “Gusto ko lang malaman kung kasalanan ko ba at mukkang pera ba ko?”

Nag-post ang problemadong wifey sa Facebook page na “Peso Sense” kung saan inilahad nga niya at sitwayson nila ng asawa, partikular na ang kanilang financial status.

Simulang pagbabahagi ng anonymous letter sender, “Meron kasing business yung husband ko pero mostly ako nagwowork hanggang sometimes 12am araw araw kasi wala kaming makuhang trabahador pag meron naman nagrereklamo sya sa babayaran.

“Sa business Hindi nya ko binibigyan pero sya naman nagbabayad ng lahat lahat ng expenses e Wala din naman akong matutulong kasi wala naman akong pera.

“Kaya okay na sakin wala nakong reklamo pero kasi minsan gusto ko May Hawak na pera para makapagbigay sa pamilya ko pero galit na galit sya palagi at palaging nagsusumbong sa nanay nya at nagpaparinig ng marami siyang utang kapag manghihingi Lang ako ng konti,” lahad ni misis.

Inamin niya na 30 years ang gap ng edad nila ng asawa, “Pag may di lang pagkakaintindihan sumbong agad siya sa nanay nya Tapos yung nanay nya magagalit sakin at kung ano ano ipaparinig.

“Nakakapagod na minsan kasi pagod na pagod kana sa trabaho tapos palagi pa silang ganon sa ‘kin.

“Gusto ko nga maghanap ng ibang work pero yung business nya ako Lang lahat halos, iniisip ko maghanap ng work sa gabi pero sobrang pagod na pagod nako at kailangan ko asikasuhin mga anak ko sa umaga .

“At saka sinusubukan ko din mag-aral kasi gusto ko mas mapagrow yung business pero silang magina palagi nilang qinuquestion pati pag aaral ko Bakit pa daw ako nag aaral,” kuwento pa ni wifey.

Sa huli ang tanong nga niya, “Muka ba Kong pera Kung palagi nalang naiisip ko na dapat kahit konti Meron din ako hahaha. Iniisip ko Lang naman never ko sinabi kasi maha highblood na naman silang mag ina.”

Ano sa tingin n’yo mga ka-BANDERA ang dapat gawin ng problemadong misis? Dapat na ba siyang sumuko sa relasyon nila ng kanyang mister?

O, patuloy lang na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan?

Read more...