
Vince Maristela, Jillian Ward at Michael Sager
NAGBITIW ng pangako ang Star of the New Gen na si Jillian Ward sa mga kaibigan niyang napasama sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.”
Kabilang sa mga naunang pumasok bilang celebrity housemate sa bagong edisyon ng “PBB” ang Sparkle actor na si Michael Sager na naging leading man ni Jillian sa Kapuso series na “My Ilonggo Girl”.
Bukod kay Michael, pasok na rin sa Bahay ni Kuya ang kanilang co-star sa “My Ilonggo Girl” na si Vince Maristela na unti-unti na ring napapansin ng manonood.
Siyempre, proud na proud si Jillian sa kanyang mga friends at kapwa Sparkle artists dahil palagi ngang viral at trending ang bawat episode ng “PBB.”
“I pray for the best kay Michael (Sager) and sa iba kong friends. Basta paglabas ninyo, ako bahala sa inyo. Ililibre ko kayong lahat,” sabi ni Jillian sa panayam ng “24 Oras.”
Sa tanong naman kung game ba siyang pumasok din sa “PBB” house, mukhang okay naman ito kay Jillian pero ang issue niya ay baka raw ma-evict siya agad.
“Baka ma-evict ako agad kasi ang tagal ko maligo at lagi akong natutulog. Pero if ever na nandoon ako, siguro ako ‘yung laging magsasaing na lang,” natatawang sey ni Jillian.
Pero feeling namin, mas magiging maingay pa ang “PBB Celebrity Collab Edition” kapag pinapasok din ni Big Brother si Jillian dahil sa dami rin ng kanyang supporters sa outside world.
* * *
Jampacked ang Mall Atrium ng SM City Caloocan last Saturday (March 29) sa pagbisita ng cast ng “Samahan ng Mga Makasalanan” na pinagbibidahan ni Pambansang Ginoo David Licauco.
Tila ba binasbasan ang buong venue dahil sa intense na kasiyahan na nadama ng lahat sa pa meet-and-greet ng cast kasama sina David, Buboy Villar, Liezel Lopez, Jay Ortega, Jade Tecson, Liana Mae, at Tito Abdul at Tito Marsyyy.
Bukod sa pagkaaliw sa mga hinandang sorpresa ng mga artista, umapaw ang kilig na dala ni David na gaganap bilang Deacon Sam sa pelikula.
Kitang-kita sa mainit na pagtanggap sa cast na excited na silang mapanood ang Samahan sa big screen. Ipapalabas na ang “Samahan ng Mga Makasalanan” sa April 19 sa mga sinehan nationwide.