
Aira Lopez at Mark Leviste
PINATULAN ng Sparkle artist na si Aira Lopez ang basher na nang-okray sa kanyang boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Sinupalpal ni Aira ang naturang netizen na nagkomento ng hindi maganda sa ibinahagi niyang video kanyang Facebook account.
Mapapanood sa naturang video ang sweet moments nila together ni Mark na may caption na, “Oo na unahan kona kayo, kamukha nga ni VG si BBM! Hahaha buti nalang kamukha lang chz.”
Maraming nag-post ng magaganda at positibong comments nang mapanood nila ang video nina Aira at Mark pero may isa ngang netizen ang nagsabing, “Sa unang tingin magtatay.”
Sinupalpal naman siya agad ni Aira na nagsabing, “Ikaw hindi pa kita nakikita, mukha ka ng uod.”
Sa comments section ng FB post ng Kapuso artist ay binengga rin ng netizens ang laiterang basher. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon.
“Ganto dapat pumapatol.”
“Hahahaha gandang rebat un!”
“Bakit hindi mo pakialaman ang itsura mo !! MARAMI KANG KAILGAN BAGUHIN.”
“Ikaw unang tingin mukha kang tae!”
“Slayyyyyyy!”
“Boogssshhh!!”
May mga nagsabi naman na ang layo naman ng itsura ni Pangulong Bongbong Marcos kay Mark Leviste.