HOROSCOPE, November 21, 2013 | Bandera

HOROSCOPE, November 21, 2013

Madam Sophia - November 21, 2013 - 01:32 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Maging matulungin. Magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Sa ganyang paraan upang lalong gumanda ang kapalaran. Sa pag-ibig, ang ibinibigay mong masarap na halik ay hahantong sa mainit na romansa.  Mapalad ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at silver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Malaking halaga ng salapi ang darating. Panahon na upang makakabayad sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, nakakahibang talaga ang makisama sa kasuyong magaling romomansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Lilac at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— May babala ng karamdaman! Ingatan ang kalusugan. Iwasang kumain ng ng mga pagkaing hindi makakabuti sa katawan. Sa pag-ibig, kapag hindi ka muling nagpa-sexy, baka maghanap ng iba ang kasuyo. Mapalad ang 3, 6, 15, 39, 46, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om-Dosha.” Maroon at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— ‘Wag ng isipin ang pagka-lugi, muling simulan ang negosyong may kaugnayan sa butil at mga pagkain. Sa pag-ibig, limutin na ang nakaraang kasawian. Mas magiging maligaya kung muling magmamahal ng isang Scorpio.  Mapalad ang 4, 7, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Hagiel.” Yellow at violet ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— ‘Wag ibinbin ang mga proyektong ipinapagawa, matatambakan ka lang ng trabaho at lalong babagal ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, iwasan ang mga immoral at illegal na gawain upang hindi mapahamak. Mapalad ang 5, 17, 23, 37, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.”  Blue at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Panatiliin ang pagiging mapagpakumbaba, upang lalong suwertehin. Sa pag-ibig, habang minamahal ang kapwa lalo na iyong mga maliit, lalo kang pagpapalain ni Lord. Mapalad ang 7, 10, 28, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ngayon palang ilista na kung saan dadalin ang malaking halaga na mahahawakan mula sa bonus at 13th month pay. Sa ganyang paraan, hindi agad-agad mauubos ang pera. Sa pag-ibig mag laan ng salapi para sa nalalapit nyong date ng kasuyong Taurus. Mapalad ang 6, 15, 24, 39, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Rama-Krisna.” Red at Green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Isang kaibigan humahanga sayo! Hindi kasi nya matanggap na naunahan mo siyang umasenso! Tulungan siyang umasenso, dobleng gantimpala ang babalik sayo! Sa pag-ibig, tama na ang pagpapaganda magiging mitsa payan upang mahulog ka sa tukso. Mapalad ang 1, 9, 27, 28, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sari-Om-Kara.” Pink at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Kapag nawala ang mga kaibigan, may iisang laging naiiwan – ang mga mahal sa buhay. Sa pinansyal ay ganon din, walang ibang maasahan kundi ang iyong kasuyo kaya dapat na mahalin mo siya at maging tapat ka sa kanya. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 48. Mahiwga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare Rama.” Green at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung palagi kang panghihinaan ng loob walang mangyayari! Sumugod ng sumugod hanggang magtagumpay. Maging agresibo sa pagta-trabaho, upang mas lalong lumaki ang income. Sa pag-ibig, dagdagan ng libog ang pakikipag-romansahan sa kasuyo. Mapalad ang 2, 13, 26, 35, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ava-Om-Yara.” Black at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung alam mong kumikita ka, mag-invest pa ng mag-invest hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, maging magpamahal. Pag-dating ng kasuyo pasalubungan mo siya ng matamis na halik. Mapalad ang 5, 16, 22, 39, 45 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina-Om”. Black at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansiyal, gawing simple ang pamumuhay, kung ano lang ang kayang bilin ng hawak mong pera yon na lang ang pangaraping makamit. Sa pag-ibig mas masaya at mas mahalaga pa rin sa pera ang isang buo at nagkakasundong pamilya. Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om”. Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—May sopresang magaganap, habang patuloy ang pagdating ng mga kumplikadong bagay. Makipag-sapalaran, may malaking suwerteng makakamit. Sa pag-ibig, puwede ng pag-tiyagaan ang isang Scorpio. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending