Pacquiao handa na sa laban kay Rios

NAKIKITA ni Roger Mayweather na maaapektuhan si Manny Pacquiao ng kanyang mahabang panahon na nawala sa pagbo-boxing sa kanyang laban kontra kay Brandon Rios sa Linggo sa Cotai Arena sa The Venetian Hotel, Macau, China.

Ang tiyuhin at trainer ng kasalukuyang pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr. ay nagsabi na iba ang epekto ng mahabang bakasyon sa nagkakaedad na boksingero kaya’t ito ang nakikita niya sa pagsampa uli ng Pambansang Kamao sa ring.

“Layoffs don’t help you when you’re getting older. Layoffs hurt you,” wika ni Mayweather sa panayam sa Hustleboss.com.
Si Pacquiao ay huling lumaban noong Disyembre 8 at lumasap siya ng sixth-round knockout na pagkatalo sa kamay ni Juan Manuel Marquez.

Sinasabi ito ni Mayweather base na rin sa kanyang karanasan noong aktibo pa siya sa pagbo-boxing. “Anytime you’ve been laid off a year and you got two months to prepare for a fight, your confidence is going to f*ck with you,” dagdag nito.

Ngunit mismong si Pacquiao ay hindi nababahala sa mahabang pahinga dahil sa magandang training camp nila ni Freddie Roach na ginawa sa General Santos City.

“I’m hungry for this fight. My feeling right  now is like when I started boxing especially because I haven’t fought for one year,” wika ni Pacquiao.

“I did my best in training and my training is good and I’m ready for the fight. So it’s in God’s hands the victory on Sunday,” dagdag nito.

Hanap ni Pacquiao ang makapagtala ng kumbinsidong panalo para makabangon mula sa dalawang pagkatalo noong 2012.
Bago ang laban ni Marquez ay hinarap muna ni Pacquiao si Timothy Bradley na nailusot ang split decision para agawin din ang dating hawak na World Boxing Organization welterweight title.

Sina Pacquiao at Rios ay magkakaharap ngayon sa huling press conference ng kanilang labanan at hindi malayong may palitan ng maaanghang na pananalita matapos ang gulo na nangyari kina Freddie Roach ng Team Pacquiao at Robert Garcia at Alex Ariza ng Rios Camp.

Read more...