Jennylyn: Wala kaming relasyon ni Sen. Bong…tatay ko lang siya!


Ama ang turing ni Jennylyn Mercado kay Sen. Bong Revilla. After almost eight years, magbabalik sa primetime ang tambalang Mark Herras and Jennylyn via the newest TeleBabad na pini-prepare na ngayon pa lang but for next year pa, ang Rodora X.

Nagpi-first taping day sila today together with the other two stars Yasmien Kurdi and Mark Anthony Fernandez pero tomorrow, fly ng Tacloban si Jennylyn to get all her other relatives from her mother’s side.

Tubong Tacloban ang side ng mother ni Jennylyn and although 40 of her relatives were moved to Manila na, ang nawawala ang lola nila.

Purong good vibes lang ang gustong isagot ni Jennylyn sa mga tanong sa kaniya lalo na’t first time niyang humarap sa press after her breakup with Luis Manzano.

Ang point ni Jennylyn, hindi naman pala ganoon ka-traumatic ang nangyaring split up with Luis so she was able to move on agad kaya ayaw na niyang pagusapan pa ito.

As far as love life is concerned, promise ni Jennylyn, matatagalan muna bago siya sumubok ulit dahil as far as she’s concerned or at least at this point, ayaw na raw niya munang ma-in love.

Natatawa na lang din si Jennylyn na iniugnay na naman si Sen. Bong sa hiwalayan nila ni Luis. Si Luis na ang nagsabing walang third party concerned sa separation nila.

As to Bong, nabanggit ulit ang name nito nang mag-partner sila sa Indio na resurrected issue lang talaga when they first teamed up naman sa movie na “Resiklo”.

Nahihiya si Jennylyn kay Rep. Lani Mercado sa issue na ito dahil “ama” lang ang turing ni Jennylyn kay Bong kaya sana raw respeto na lang sa senator at tigilan ang issue.

( Photo credit to Google )

Read more...