
PHOTO: Courtesy of Netflix
NEED niyo ba ng ultimate pampasaya, mga ka-BANDERA?
Magbabalik na ang sikat na Hollywood star na si Adam Sandler para sa bagong kabanata ng “Happy Gilmore” movie!
Ang “Happy Gilmore 2” ay ipapalabas na sa darating na July 25 exclusively on Netflix.
Palong-palo rin ang mga tampok sa pelikula kung saan kasama pa rin sa OG cast sina Julie Bowen at Christopher McDonald.
Pero eto ang mas wild…kabilang din sa kasiyahan ang ilang pro golfers tulad nina Rory McIlroy, Scottie Scheffler, at Bryson DeChambeau!
Baka Bet Mo: Shin Min-a, Park Hae-soo bida sa bagong K-Drama na ‘Karma’, babandera sa Abril
At hindi lang ‘yan, mapapanood din sa bagong movie si Bad Bunny, pati na rin ang anak ni Adam na sina Sadie at Sunny Sandler.
Bukod sa mga nabanggit, heto pa ang ilan sa star-studded cast: Ben Stiller, John Daly, Conor Sherry, Ethan Cutoksky, Philip Fine Schneider, Maxwell Jacob Friedman, Travis Kelce, Blake Clark, Justin Thomas, at marami pang iba.
Kung matatandaan sa unang pelikula, si Happy Gilmore ay isang dating hockey player na nag-pivot sa golf para mabayaran ang utang ng kanyang lola sa Internal Revenue Services (IRS) o tax.
Sa kanyang kakaibang estilo sa paglalaro, nagkaroon siya ng mga kaibigan tulad ni Chubbs Petersen at isang homeless na caddy.
Syempre, hindi mawawala ang kanyang mortal na kalaban, ang napaka-aroganteng Shooter na si McGavin.
Pero dahil si Happy Gilmore ‘yan, walang imposible!
Natalo niya ang mga elitista sa golf, nasagip ang bahay ng kanyang lola, at nagkaroon ng happily-ever-after.
Pero teka, paano nga ba babalik ang career niya ngayon? ‘Yan ang aabangan natin!