Vice Ganda bibili na ng bagong house & lot sa halagang P50-M


PUSPUSAN na ang shooting ng Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa entry niya sa Metro Manila Film Festival 2013 na “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” sa direksyon ni Wenn Deramas.

Bongga raw ang mga eksenang ginagawa niya ngayon kaya super nae-excite na siya na mapanood ng publiko. Tingin naman ni Vice ay aabot sila sa deadline ng MMFF kahit na nga nagkasakit si Direk Wenn.

“Kinausap ko siya  (Direk Wenn). Sabi ko, ‘Kaya ba nating matapos?’ Sabi niya, kaya naman. Sabi ko, ‘Sure ka?’ Sabi niya, ‘Yun lang ang kaya kong isagot.’ Ha-hahaha! Pero syempre, hindi naman kami papayag na hindi matapos,” lahad ni Vice.

Hanggang first week of December daw ang shooting nila, “Keri namin ‘yan. Hello! Ang ‘Sisterakas’ ginawa namin ng isang buwan, noh! Nakakaloka!”

Ngayon pa lang ay hinuhulaan na magna-number one ang movie niya sa MMFF, “Malakas ‘to! Malakas ‘to! Ang galing ni Inay Marya (Maricel Soriano). Ang galing ni Kiray.

Kahapon meron kaming kinunan na eksena na pagkatapos nagpalakpakan talaga lahat. Ang galing ni Inay Marya at ni Kiray. Nilamon nila ako ng buong-buo. ‘Yung eksena nagbe-breakdown kaming tatlo, e, heavy drama.

Pero ‘yung dialogue, comedy. ‘Yung dalawa serious, umiiyak, hagulgol. Pero comedy ‘yung linya. Ang galing ni Kiray. Tulo ang luha, breakdown sila ni Maricel. Confrontation pero comedy ang linya,” kwento ni Vice,

Kapatid ni Vice si Kiray na inampon ni Maria sa movie. Ang dating Taray Queen na si Marya ang ina ng apat na karakter ni Vice sa movie na isang girl, boy, bakla at tomboy.

Tinanong naman namin si Vice kung nakabili na ba siya ng bagong bahay niya na may swimming pool,   “Hindi pa. E, kasi ‘di ba nga, mabibili ko ‘yun kapag pumirma na ako ng bagong kontrata.

Sa December pa ako pipirma. Nakahanap na ako, nakausap na. Hinihintay na lang ‘yung bayaran.” Ayaw sabihin ni Vice ang halaga ng bahay at kung saan. But definitely, may swimming pool daw.

At tantya namin ‘di bababa sa P50 million ang halaga nito. “E, ‘di ba nga ‘yun ang dream ko, may swimming pool. Kasya mga tatlong pating. Ha-hahaha! Papakita ko ‘yun sa inyo, syempre dream ko ‘yun, no. Pinaghirapan ko ‘yun.”

Hindi pa raw niya nabebenta ang townhouse na tinitirhan niya with his beki friends pero baka hindi na raw niya ibenta dahil malapit sa trabaho niya.

Next month matatapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN. Pero hindi pa raw siya nakakapirma. “Oo nga pwedeng dapat nakapirma. Kaso, ang daming ganap, nakakalokah!

Alangan namang makipag-anuhan pa ako, ‘Tita Cory (Vidanes) magpirmahan na tayo!” Ha-hahaha! E, syempre aligaga lahat para sa mga nasalanta kaya okey lang,” diin ni Vice.

( Photo credit to Google )

Read more...