Cristine binalahura pa rin sa Twitter, wa epek ang pa-good girl


Hindi namin napanood lately ang guesting ni Cristine Reyes sa isang show sa ABS-CBN pero marami kaming nabasang comment na hindi pabor sa kanya.

Marami ang nagtatanong kung bangag daw ba siya, nakatira o wala sa sarili dahil kung anu-ano raw ang pinagsasabi niya sa kanyang TV guesting.

Para raw hindi kasi normal ang kanyang ikinilos noong mga oras na iyon kaya marami ang nakapansin. Aware that she’s being talked about, Cristine wasted no time in explaining why she behaved that way.

“Sorry kasi minsan lumalabas talaga ‘yung pag-magaslaw at pagkamalikot kaya behave ako ngayon. Excited lang din. Hindi naman kasi ako sanay kaya may tension lang,” sabi niya sa Twitter.

“‘Yung sa Gandang Gabi Vice normal lang naman ako doon. Sa It’s Showtime medyo tense, maaga, tapos live, tapos maraming audience. Dapat perfect ka doon dahil live ‘yon kaya medyo tense ako,” dagdag  niya.

Lately pa rin, marami ang hindi nagkakagusto sa kanyang participation sa isang soap ng Dos. Ang feeling nila ay hindi bagay ang dalaga roon. Hindi naging maganda ang kinalabasan ng huling soap ni Cristine with Rayver Cruz at Gerald Anderson.

Tsinugi ito nang wala sa panahon dahil ito ang may pinakamababang rating. Ang pangit-pangit nga ng ending at very predictable ito.

“Bka bumaba rate ng honesto ng dhil sa knya…nawalan na aq gana manood,” sabi ng isang me galit yata kay Cristine.
“Kamalasan yung dulot nya kasi natsugi agad yung flopchinang Bukas Na Lang Kita Mamahalin! Hehehe,” paniwala naman ng isa pang guy.

“Naku..panira lang sya dun…d sya bagy sa HONESTO,” walang preno namang  comment ng isa pa.

( Photo credit to Google )

Read more...