Carla Abellana ginawang pendant ang green bones ni Delia Razon

Carla Abellana ginawang pendant ang green bones ni Delia Razon

GINAWANG necklace pendant ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang ilan sa mga green bones na nakita sa labi ng kanyang namayapang lola na si Delia Razon.

Sa kanyang ibinahaging Instagram post nitong Huwebes, March 20, kamakailan ay ibinandera niya sa kanyang selfie photos ang kwintas na suot-suot.

“Back to work! Forever with Mamang now. These are her green bones,” saad ni Carla sa kanyang caption.

Para sa mga hindi aware, pinaniniwalaan sa Chinese culture na kapag may nakita green bones sa cremated remains ng namatay ay naging mabuti ito noong nabubuhay.

Baka Bet Mo: Carla Abellana kay Delia Razon: The strongest, bravest & most beautiful

Pinaniniwalaan rin ito ang final gift ng namayapa sa kanyang pamilya.

Si Carla ay isa sa mga apo ng dating LVN premiere actress sa kanyang mother’s side.

Bago ang post ng Kapuso actress tungkol sa green bones ng kanyang lola ay nagbahagi na ito ng kanyang tribute sa lola na tinatawag niyang “Mamang”.

“The strongest, bravest, fiercest and most beautiful [dove emoji],” caption ni Carla sa kanyang post kalakip ang larawan ng kanyang mamang.

Aminado rin ang aktres bilang isang lola’s girl lalo na’t tumira at lumaki siya kasama ang lola.

Ang lola ni Carla na si Delia Razon o si Lucy May Grytz sa totoong buhay ay pumanaw noong March 15, sa edad na 94.

Nagsimula ang acting career nito noong 1948 sa pelikulang “Krus na Bituin”.

Ilan pa sa mga naging pelikula nito ay “Rodrigo de Villa,” “Lapu-Lapu,” “Luksang Tagumpay,” “Prinsipe Teñoso” at “Gaano Kadalas ang Minsan?”.

Read more...