Miss Universe Olivia Culpo buntis na sa 1st baby matapos magka-endometriosis

Miss Universe Olivia Culpo buntis na sa 1st baby matapos magka-endometriosis

Olivia Culpo at Christian McCaffrey

IBINANDERA ni Miss Universe 2012 Olivia Culpo sa buong mundo ang pinakabagong good news sa kanyang buhay — iyan ay ang pagdadalang-tao sa kanyang panganay na anak.

Ibinalita ni Olivia at ng asawa niyang si Christian McCaffrey na very soon ay magiging mommy at daddy na sila.

Ibinahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang social media accounts ang mga litrato ng beauty queen na kuha mula sa kanyang maternity shoot.

“Next chapter, motherhood,” ang nakasulat sa caption ng Instagram post ni Olivia.

Bukod dito, nag-share rin ang beauty queen ng isang video kung saan magkasama silang naglalakad ng asawa sa isang field habang hawak-hawak ang kanyang baby bump.

Makikita rin ang future mommy at daddy na hawak ang sonogram ng kanilang first baby kasama ang kanilang alagang aso habang ginaganap ang photo at video shoot.

Sa isa naman niyang Instagram story, makikita ang close-up photo ng kanyang baby bump na may caption na, “Excited to officially bump around because this thing is really getting big (laughing out loud emoji).”

“Thank you all so much for the overwhelming amount of love (red heart emoji),” aniya pa.


Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng message para sa asawang si Christian, “@christianmccaffrey you will be the best dad. I feel so so grateful.”

Ilan sa mga naunang mag-congratulate sa mag-asawa ay ang mga sister ni Olivia na sina Sophia at Aurora na super excited na rin sa magiging journey ng couple bilang parents.

“I cant wait to be the YES aunty!!!! Ice cream for breakfast YES, finger painting w mom lipsticks YUP. No bedtimes on my watch!!” ang message ni Aurora.

Sey naman ni Sophia, “Aunty can’t wait to meet you!!!!!”

Bumati rin ang international model na si Gigi Hadid, “Sooooo happy for you O ! !”

Post naman ng American fashion model na si Devon Windsor, “Awww going to be the best parents.”

Nauna rito, nagpahayag ng pangamba si Olivia sa kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang sakit na endometriosis. Ibinahagi niya sa publiko noong 2020 ang pinagdaang surgery dahil dito.

“Not a very glamorous post but I felt like I needed to share this to create more awareness around this disease.

“Endometriosis is a condition where tissue from the uterine lining decides to grow in other random parts of your body, causing pain. This can interfere with fertility and overall health and honestly – happiness.

“I have been in agony for years around my period and I was misdiagnosed countless times by doctors,” aniya noon.

Sa isang episode naman ng reality show ng kanilang pamilya na “The Culpo Sisters”, may takot siyang nararamdaman kung ano ang magiging epekto ng endometriosis sa kanyang pagbubuntis.

“I want to have kids, but I want to make sure that I can. It could be really hard for me to have babies.

“There is so much that I don’t know about what’s going to happen in the future with that condition and I worry all the time about my timeline. I feel like I have to have kids ASAP,” aniya.

Read more...