SINUBAYBAYAN ng ilan sa mga kaanak ng mga naging bikrima ng war on drugs ang unag pagharap ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pre-trial sa Internationa Criminal Court (ICC).
Nitong Biyernes ng gabi (Philippine time), March 14, naganap ang pagharap ng dating pangulo sa ICC kaugnay ng kasong kinakaharap niyang crime against humanity.
Nagsama-sama ang mga pamilya ng biktima ng extrajudicial killings (EKJ) sa National Council of Churches in the Philippines (NCCP) sa Quezon City para panuorin ang pre-trial ni Duterte.
Hindi maiwasang maging emosyonal ng mga kaanak lalo na’t tila nanumbalik ang mga pangyayari noong mga panahon namatay ang kanilang mga kamag-anak.
Baka Bet Mo: Duterte nag-vid call sa ICC pre-trial; hearing ng ‘confirmation of charges’ sa Sept. 23
Matatandaang naaresto si dating Pangulong Duterte noong Marso 11, 2025 sa ilalim ng arrest warrant na ibinaba ng ICC “confirmation of charges hearing” para kay dating Pangulong Duterte.”