Kylie, Aljur wala nang panahon sa isa’t isa, maghihiwalay din


Speaking of malamig ang Pasko, naniniwala naman ang Adarna star na si Kylie Padilla na hindi rin ito applicable sa kanya kahit pa raw halos sa telepono na lang sila nagkakausap ng BF niyang si Aljur Abrenica.

Pareho silang busy ngayon at halos wala na talagang panahon para sa isa’t isa, though aminado si Kylie na nag-e-effort naman silang ma-reach out ang bawat isa kahit sa phone.

“Importante yung communication. Kahit pagod at ngarag, kahit simpleng hello and how’s your day lang, enough na. Talagang ganito ang showbiz, di ba? I need to focus on my new soap dahil matindi po ang requirements ng role.

He is in fact very supportive dahil nagbibigay siya ng tips sa mga pagsusuot ng pakpak dahil may nagawa na yata siyang parang ibon o anghel ba siya?

“He understands naman pero yung balita na nagpiprisinta din daw po siyang mag-guest gaya ng Papa ko (Robin Padilla), wala pa po akong alam dun pramis. Masaya yun kung mangyayari,” kuwento pa ni Kylie.

Natawa na lang uli ito sa maintrigang tanong namin na baka nagsisiguro lang si Aljur dahil sa Adarna nga ay tatlo-tatlo ang ibinigay na leading men sa kanya, gaya nina Benjamin Alves, Mikael Daez at Geoff Eigenmann, “Ha-hahaha! May ganun po?

Wala po akong masasabi diyan dahil lahat po ng mga leading men ko ay mababait, responsable at marespeto. Trabaho lang po,” tsika pa nito sa amin.

( Photo credit to Google )

Read more...