John Lloyd tumigil na raw sa paglaklak ng alak, namayat na


DAPAT sana ay may ABS-CBN trade launch kahapon, pero nagpasya ang istasyon na hindi na lang ito ituloy at ang magagastos ay ido-donate na lang sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon sa tsika sa amin ng taga-Dos, “Pati advertisers nagsabi huwag na ring ituloy.” Tinanong namin kung anu-anong programa ang ilo-launch ng ABS-CBN, “Marami, ‘yung kina John Lloyd (Cruz) at Toni (Gonzaga), next year na ‘yun, ‘yung Singing Bee, The Voice Kids Edition at saka ‘yung iba pang naka-line-up,” sabi sa amin.

Sabi namin, next year pa pala ‘yung kina Lloydie at Toni bakit tinapos na agad ang Toda Max? “Hindi naman siya kapalit mismo ng Toda Max kasi masyado ng late ang timeslot.

Kaya mas earlier siya at saka ayaw ni John Lloyd na late na umere kasi hindi na makakapag-place ng ads ang mga produktong ineendorso niya,” paliwanag sa amin.

Dagdag pa nito, “Uy, payat na si John Lloyd ngayon, hindi na raw siya umiinom kasi namamaga na ang gout niya. E, siyempre conscious na ang lolo mo at nagkakaedad na.

“Siya lang naman ang leading man ng ABS-CBN na masyubis kasi wala naman siyang pakialam dati, pero ngayon, conscious na siya at talagang nagpapayat siya,” dagdag pa

Oo nga, sa lahat ng leading man, si Lloydie lang ang chubby kumpara kina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Jake Cuenca, Zanjoe Marudo, Dingdong Dantes at iba pa.

Sabi nga namin, si Aga Muhlach yata ang peg ni JLC, tama ba bossing Ervin? (Ha-hahaha! Baka nga! – Ed) Samantala, natanong din namin ang tungkol sa The Voice Kids Edition kailan naman ito eere, “Late this year kasi nagpapa-audition pa sila ngayon sa Cebu.”

Tinanong naman kami ng aming source kung ano sa tingin namin ang mas kikita, ang “Pagpag” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo o ang “My Little Bossings” nina Bimby at Ryzza Mae Dizon.

Sinagot namin na posibleng mag-number one ang “Little Bossings” dahil curious ang mga tao kina Bimby at Ryzza Mae, “Puwede, oo, baka, hmmm, Daniel at Kathryn lang din naman ang peg nina Bimby at Ryzza Mae, di ba?” sabi  ng aming kausap.

( Photo credit to Google )

Read more...