HOROSCOPE, November 20, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang inaaturga upang umangat ng todo ang kabuhayan. Sa pag-ibig, wag kang kabahan, higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Mapalad ang 1, 4, 28, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Dosya- Om.” Green at red ang buenas.      
Aries – (Marso 21-April 19)—Anumang talento ang tinataglay ay  kailangang gamitin ito sa kabutihan. Iwasang mandaya ng kliyente. Sa pag-ibig, sa pamamagitan ng mahusay na boladas, mapapa-oo mo na ang kasuyo sa isang bagay na matagal mo nang hinihingi. Mapalad ang 5, 14, 20, 42, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Violet at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, sa bagong produktong may kaugnayan sa kumunikasyon at pagkain ay kikita ng malaking halaga.  Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo kaya mamayang gabi painitin siya sa romansa. Mapalad ang 1, 8, 17, 24, 34, 35. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Doysa-Om.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Tatlong bagay ang nagpapayaman: Ang pagdating ng kasuyong mapera; pag-aabroad at ang pagnenegosyo. Alin man sa tatlo ang magawa mo, sa edad mong 41 pataas, mayamang-mayaman ka na! Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at red ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Huwag  umasa sa iba, nasa mga kamay mo ang paraan upang yumaman. Sa pag-ibig, kahit na may kasalanan ang kasuyo mas mainam pa rin na patawarin mo siya. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Huwag pansinin ang mga naninira sa iyo. Kaya hindi ka kumikita ng malaking halaga, pinapatulan mo kasi ang mga intriga. Sa pag-ibig, isang kaibigan ang nagtatangkang umagaw ng iyong minamahal. Wag kang papayag, ipaglaban ang kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 6, 18, 28, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nosi-Balasi.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Pagpasensiyahan ang negatibong ugali ng kasuyo. Yan talaga ang role mo sa mundo—ang magparaya. Sa pinansiyal, isang kaibigang hindi matanggihan ang mangungutang, wala kang magagawa kahit hindi siya magbayad, talagang ganoon ang buhay! Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Om-Pad-Meh-Om.” Blue at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Wag kang tamad, iwasan ang bisyong puro pagkain at pagpe-Facebook. Walang mabuting idudulot sa iyo ang  mga bagay na iyan. Kailangan magsimula ng munting negosyo na may kaugnayan din sa iyong bisyo. Pwedeng magluto ng masasarap at kakaibang pagkain. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 36, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Blue at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Pakikipag-sosyalan ang kailangan upang wag ma-boring ang buhay. Bitbitin ang kayuso sa isang social gathering. Sa isang pagtitipon, pareho kayong magkakapera. Mapalad ang 2, 17, 28, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Arkaye-Aum-Arkaye-Om.” Lilac at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May paglalakbay na mararanasan. Ang paglayo sa sariling bayan ang susi upang yumaman at umunlad.  Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sa iyong pagbabalik, mainit na  romansa ang kapalit. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at navy blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pagiging happy ang masamang pakiramdam ay mapaparam. Lalo pang magtipid upang pasapit ng Pasko, marami kang salaping gagastusin. Sa pag-ibig, ang masarap na romansa ang pinaka-mabisang pampalakas ng immune system. Mapalada ng 4, 8, 18, 27, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kastha-Raga-Vaana.” Black at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Kahit medyo luhaan sa pag-emosyonal, sa pang-materyal naman tuloy  ang dating ng magandang kapalaran. Upang makatagpo ng pang matagalang relasyon isa alang-alang silang  isinilang sa buwan ng Oktubre  na may birth date na 7, 16, o kaya’y 25. Mapalad ang 3, 12, 21, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Violet at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Igalang ang naging desisyon ng kasuyo. Sa pinansiyal at pag-ibig, hindi ikaw ang dapat nasusunod kundi ang iyong kasuyo upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 8, 14, 23, 26, 35 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jenu-Manu-Jata.” Red at beige ang buenas.

Read more...