Faith Da Silva, Buboy Villar nagkagulatan, nag-aminan ng feelings?

Faith Da Silva, Buboy Villar nagkagulatan, nag-aminan ng feelings?

TILA nauwi sa aminan ng feelings ang pag-uusap ng Kapuso stars na sina Buboy Villar at Faith Da Silva.

Nitong Sabado, March 1, bumisita ang aktres sa show nina Buboy at Tuesday Vargas na “Your Honor” kung saan nausisa siya kung sino sa mga artista ang inaantay niyang magparamdam o dumamoves sa kanya.

“Sa lahat ng mga artistang pumorma sa akin, mayro’n kasi akong isang hinintay talaga na medyo matagal. Hinihintay ko lang siya na ano…magtanong,” saad ni Faith.

Naintriga naman si Tuesday kung sino ang tinutukoy ng dalaga kaya nilapitan niya ito para ibulong sa kanya kung sino ang artistang tinutukoy nito.

Baka Bet Mo: Faith Da Silva nilaglag si Angel Guardian: Para siyang kargador kapag lumafang!

Napatawa naman si Tuesday sa ibinulong sa kanya ni Faith kaya naman lumapit si Buboy para alamin rin kung sino ang tinutukoy ng aktres.

“Sino?” tanong niya.

Sa halip na ibulong ay diniretsa na ni Faith si Buboy at sinabing, “Ikaw”.

Halata naman ang gulat sa mukha ni Buboy sa pasabog na rebelasyon ng kaibigan.

“No’ng bata pa lang kami nito ni Buboy—’di ko alam kung natatandaan pa niya ito—bata pa lang kami, magkaibigan na kami. Siguro 7 years old yata or 8 years old,” lahad ni Faith.

“Mayro’ng mga artista na parang pinagtitripan-tripan kami. Ta’s parang sinabi nila sa akin na i-kiss ko raw si Buboy dito [sa pisngi]. Ta’s kiniss ko siya ta’s kilig na kilig talaga ako. Grabe!” pagpapatuloy pa niya.

Matapos ng pasabog na rebelasyon ni Faith ay ang isa ring pasabog ni Buboy.

“Tutal, umamin ka. Ako, aamin din ako. Ito, totoo. […] Kung ano kami ni Faith lalo na kapag nag-AOS [All Out Sundays] tayo. Kung ano talaga ako sa kaniya noon, walang halong kaplastikan ‘yon. Talagang gustong-gusto ko talaga si Faith.,” sey ni Buboy.

Ngunit kahit na gusto niya ito ay pinangunahan raw siya ng kaba.

“Sa sobrang gusto ko si Faith, napangunahan lang talaga ako ng kaba. Siguro kinuwestiyon ko rin ‘yong sarili ko. Na parang sasapat ba ako sa isang Faith Da Silva?” sabi pa ni Buboy.

Kaya naman mas pinili na lang niya niyang suportahan ito.

Anyway, masaya naman si Faith para sa kaibigan na may lovelife na ito.

Noong January lang nang aminin ni Buboy na may nagpapasaya na ng kanyang puso.

Read more...