HINIHIKAYAT ng Philippine Commission on Women ang bawat Pilipino na makiisa sa kanilang inilunsad na “Purple Wednesday”.
Ito ay para ipakita ang pagbibigay suporta sa karapatan ng mga kababaihan at ang pagkakapantay-pantay ng kasarian o gender equality.
Ang “Purple Wednesday” ay isasagawa tuwing Miyerkules ngayong buwan ng Marso (5, 12, 19, 26) kung saan hinihikayat ang lahat na magsuot ng kahit anong damit na kulay purple.
Baka Bet Mo: Hubo’t hubad na litrato ni Iza pak na pak sa Women’s Month: I’m powerful!
Sa kanilang Facebook page ay ibinahagi nila ang kabilang theme ngayong taon.
“Purple is giving… empowerment!!!
“Make this your Wednesday habit this month of March! Makiisa sa Purple Wednesdays bilang pagsuporta sa karapatan ng lahat ng kababaihan at pagkakapantay-pantay ng kasarian. Simply wear anything purple every Wednesdays of March. Maaari ring magsuot ng purple sa pagdiriwang ng International Women’s Day sa March 8,” saad nito sa caption.
Hinikayat rin ng komisyon na makipag-participate sa mga activities na inihanda nilang ngayong buwan.
Punung-puno naman ng pagsuporta at purple hearts ang comment section ng naturang post.
Para sa mga nagnanais na malaman pa ang kanilang theme at mga activities, mangyaring bisitahin ang link: https://pcw.gov.ph/2025-national-womens-month-celebration/